Balita

‘Onanay’ ‘di tinatantan­an ng televiewer­s

-

YESSS, humahataw sa TV ratings ang Onanay primetime series ng Kapuso Network, sa true lang.

Ikinatuwa ng buong cast ng

Onanay na sina Superstar Nora Aunor, Cherrie Gil, Gardo Versoza, Wendell Ramos, Mikee Quintos, Kate Valdez, Jo Berry at iba pa ang patuloy na pagtangkil­ik at pagsubayba­y ng TV viewers sa kanilang teleserye.

Bukod sa magaganda at positibong komento ng netizens sa bawat episode ay patuloy ang pamamayagp­ag nito sa TV ratings nationwide.

Talagang nabihag na ng Onanay ang puso ng mga manonood, damang-dama nila ang bawat eksena at tutok na tutok sila sa kuwento ni Onay (Jo), lalo pa ngayon na lumambot na ang puso ni Natalie (Kate) sa kanyang ina.

Tinawag na rin ni Natalie na “Nanay” si Onay, kaya naman masayang-masaya ang huli.

Paano tatanggapi­n ni Helena (Cherie) ang desisyon ni Natalie na sumama na kay Onay? Tuluyan na bang kamumuhian ni Natalie si Helena?

‘Yan ang malulupet na eksenang dapat abangan sa Onanay, na bata man o matanda ay talagang inaabangan gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, sa Kapuso Telebabad, in pernes.

 ??  ?? Kate at Jo
Kate at Jo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines