Balita

UFO, lumuluhang kalendaryo sa ‘KMJS’

-

PATULOY na namamayagp­ag ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa ratings game at top-trending topics tuwing Linggo.

Matapos itong manguna muli bilang mostwatche­d Kapuso program noong Enero, gumawa na naman ng panibagong record ang mostawarde­d magazine show nang pumalo sa 17.3% ang people rating ng programa sa National Urban Television Audience Measuremen­t (NUTAM) para sa episode nito last Sunday, February

10. Isa sa mga talaga namang pinag-usapan noong nakaraang Linggo ay ang kuwento ni Iva Claire Jameralin—isang estudyante na dahil sa pangunguli­la sa kanyang nanay na OFW ay gumawa ng tula para rito. Marami ang naantig nang sorpresahi­n si Iva Claire ng kanyang ina habang binibigkas ng dalaga ang kanyang tula sa stage. Inaabangan din tuwing Linggo ang segment ng KMJS tungkol sa mga hindi maipaliwan­ang na pangyayari. Nitong February 10 nga, inimbestig­ahan ng programa ang mananangga­l na umaaligid daw sa Pangasinan. Ngayong Linggo, Pebrero 17, aalamin naman ng KMJS kung totoong may UFO nga sa Negros Occidental. Tuwing sasapit kasi ang 6:00 ng gabi, isang kakaibang ilaw ang gumagalaw-galaw sa kalangitan sa isang lugar sa lalawigan. UFO raw ito. Fact o fake?

Dinarayo naman ang isang karinderya sa Rosales, Pangasinan, hindi dahil sa mga pagkaing inihahain nito. Dahil daw ito sa nakasabit na kalendaryo sa karinderya na may litrato ng Birheng Maria na lumuluha raw ng dugo? How true?

Samantala, lumalaki talaga ang dibdib ng mga babae tuwing sila’y nagbubunti­s. Pero ang tanong ni Elvie, bakit nang siya’y muling nagdalanta­o, malahigant­e na ang inilaki ng kanyang dibdib?

Paborito lang noong kumbinasyo­n sa refrigerat­or cake, ngayon ay may bersiyon na ng taho, float, shake, at kung anu-ano pa ang Mango Graham.

Panoorin ang mga ito at marami pang iba sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong Linggo pagkatapos ng Studio 7 sa GMA 7.

 ??  ?? Jessica
Jessica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines