Balita

‘Lifetime Bloom’: Katy at Orlando, engaged na

- Ni PATRICK GARCIA

MAS espesyal ang naging pagdiriwan­g ng Valentine’s Day para kina Katy Perry at Orlando Bloom.

Sa Instagram, inihayag ng magkasinta­han ang kanilang engagement kasama ng mga larawan ng kanilang romantic Valentine’s Day dinner, at siyempre ang naganap na proposal ni Orlando.

May caption na “full bloom” ang larawan na ibinahagi ng California Girls hitmaker, kung saan kasama niya ang Lord of the Rings actor. Habang “Lifetimes” naman ang sinabi ni Orlando sa kanyang personal photo post kasama si Perry.

Taong 2016 nang maging makasintah­an ang dalawa, ngunit naghiwalay bago mapabalita­ng balik sa relasyon ang dalawa.

Dating married si Katy sa aktor na si Russell Brand mula 2010 hanggang 2012, habang si Orlando ay ikinasal sa modelong si Miranda Kerr mula 2010 hanggang 2013.

 ??  ?? Orlando at Katy
Orlando at Katy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines