Balita

Korean actor Park Hyung Sik, bumisita sa ‘Pinas

- Ni MARJALEEN RAMOS

NAG-POST ang clothing brand na iniendorso ni Park Hyung Sik ng mga larawan ng pagdating ng Korean actor sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport kahapon ng umaga.

“The man of the night @phs1116 just arrived and he’s ready to sweep us all off our feet,” caption ng brand sa post.

Nasa Manila si Hyung Sik para sa “Fun Meet” sa Mall of Asia (MOA) Arena kagabi. Magkakaroo­n siya ng isa pang aktibidad kasama ang kanyang fans sa Trinoma ngayong Linggo.

Kilala si Hyung Sik sa kanyang pagganap sa The Heirs High Society, Hwarang: The Poet Warrior Youth, Strong Girl Bong-soon at Suits. Miyembro rin siya ng South Korean boy group na ZE:A at ng sub-group nito na ZE:A Five.

Dumating ang Korean actor sa Manila kahapon.

 ??  ?? Hyung Sik
Hyung Sik

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines