Balita

21 Savage, ‘di ikinailang British citizen

- Associated Press

INIHAYAG ng Atlanta-based rapper na si 21 Savage sa isang panayam na umere nitong Biyernes na hindi niya isinapubli­ko ang tungkol sa kanyang British citizenshi­p noon dahil ayaw niyang mapa-deport.

Matatandaa­ng inaresto ang Grammynomi­nated artist, tunay na pangalan ay She’yaa Bin Abraham-Joseph, nitong Pebrero 3. Tinawag ito ng U.S. Immigratio­n and Customs Enforcemen­t na isang targeted operation. Pinalaya siya mula sa immigratio­n custody nitong Miyerkules sa piyansang $100,000.

Sinabi ni Abraham-Joseph, 26, sa Good Morning America ng ABC na wala siyang ideya kung ano ang visa nang dalhin siya ng kanyang ina sa Amerika noong pitong taong gulang pa lang siya. Na-expire ang visa niya noong 2006.

“I knew I wasn’t born here,” sabi ni 21 Savage. “But I didn’t know like, what that meant as far as when I transition­ed into an adult, how it was going to affect my life.”

Hindi naman daw itinatago ng rapper na hindi siya isang U.S. citizen, ngunit “I didn’t want to get deported so I’m not going to just come out and say, ‘Hey by the way, I wasn’t born here.’”

Inihayag naman ng mga abogado niya na nag-apply na ng bagong visa ang rapper noong 2017, at nananatili­ng pending ang kaso niya. Sinabi rin ni Charles Kuck, isa sa mga abogado ni 21 Savage, ngayong linggo na kung susundin ng kaso ang normal trajectory, gugugol ito ng dalawa hanggang tatlong taon. Naging nominado si Abraham-Joseph para sa dalawang award sa Grammys, kabilang ang Record of the Year para sa Rockstar, katuwang si Post Malone. Ang kanyang ikalawang solo album na I Am I Was, ay inilabas noong December nang nakaraang taon, at nag-debut sa No. 1 spot sa Billboard 200 albums chart.

 ??  ?? 21 Savage
21 Savage

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines