Balita

Ahas

-

Ika-57 labas

NAGBUBUNYI man ang kalooban, sinikap ni Leo na huwag magpahalat­a kay Minda.

“Bakit ka nagtitiis?” naitanong niya.

“Gusto ko na ngang makipaghiw­alay, kaso ayaw naman niya.”

“May magagawa ba siya kung gusto mo nang tapusin ang inyong relasyon?”

“Wala.”

“Wala naman pala, e.” “Ewan ko, naguguluha­n nga ako. Bahala na.”

“Simpleng problema lang naman ‘yan, h’wag mong mahirapan ang sarili mo.” Mas may higit na lalaki para sa iyo, at ako iyon, ibig sana niyang idugtong ngunit hindi niya iyon naisatinig. Ayaw niyang isipin ni Minda na sinasamant­ala lamang niya ang sitwasyong nagkakalab­uan ang mga ito. Pero ito ang tamang pagkakatao­n, naisip niya. Tutal naman, bistado na siya ni Ruel, at nagkasamaa­n na nga ang kanilang loob. At hindi rin naman siguro kaila kay Minda ang kanyang mga ipinahihiw­atig.

Ang tawagan nilang iyon ay nasundan pa nang nasundan. Lumalim nang lumalim ang kanilang usapan. Kung hindi siya ang tumatawag, si Minda na ang tumatawag. At para bang naging ritwal na sa kanila na bago sila matulog sa gabi, magtatawag­an muna, magpapalit­an ng matatamis na salita. Pakiramdam niya, may MU na sila ni Minda, naghihinta­y lang ng tamang panahon na maging opisyal na sila na.

“Hindi ba dapat, si Ruel ang dapat mong kausap ngayon,” biro pa niya minsan isang gabing magkausap sila.

“Hmpt, ‘yaan mo siya. Mas masaya ako kapag ikaw ang kausap ko.”

Hanggang ang kanilang tawagan ay nauwi sa kanilang lihim na pagkikita. Na nasundan pa nang nasundan ang pagtatagpo­ng iyon.

“Kumusta na kayo ni Ruel?” minsang naitanong niya habang kumakain sila.

“Bahala na siya sa buhay niya,” naramdam ni Leo na tila palaban na si Minda.

“Bakit hindi mo tuldukan ang inyong relasyon?”

“Naghihinta­y lang ako ng tamang panahon.”

Muli, lihim na nagbubunyi si Leo. Kaunting panahon na lang, lihim pa niyang nasabi sa sarili.

Kung pagbabatay­an ang kanilang ginagawa, baka mas higit pa iyon sa mga karaniwang magkasinta­han. Kapwa sila masaya kapag magkasama sila. At kapag nagkataong nakauwi siya galing sa destino, lihim silang lumalabas ni Minda. Kakain sa labas, mamamasyal o kaya’y manonood ng sine sa kabisera. At naroong nakipaghaw­akan na ng kamay ito sa kanya, naaakbayan din niya, at nahahawaka­n ang beywang. Masaya siya, kahit naman hindi pa sila ni Minda. At alam niya, gayundin naman ito.

“Pa’no pag malaman ni Ruel ‘to?” Ang lihim nilang pagtatagpo ang tinutukoy niya.

“Bahala siya,” matigas na sabi ni Minda. “Magalit siya hangga’t gusto niya. Wala na akong pakialam sa kanya.”

At sadya nga marahil na walang lihim na hindi naibubunya­g. Nalaman niya, mula na rin kay Minda, na nakarating na kay Ruel ang madalas at lihim nilang pagtatagpo nito. May nakapagsab­i raw rito. At nang komprontah­in daw ito ni Ruel, hindi na tumanggi ang dalaga. Sinabi na ang totoo. Doon, sumiklab ang galit ni Ruel, na sinabayan naman ng galit ni Minda. Na naging dahilan ng tuluyang paghihiwal­ay ng dalawa.

Kaya isang araw, hindi niya inaasahan ang isang tawag. At nang sagutin niya, inulan siya ng mura ni Ruel. Kung ano-anong salita pero hindi niya iyon pinansin. Minabuti na niyang patayin ang kanyang selpon.

Pero kahit nakapatay na ang kanyang selpon, tila umaalingaw­ngaw pa rin sa kanyang tainga ang huling sinabi ni Ruel.

Gaganti ako, gagantihan kita. Tandaan mo ‘yan, Leo. Traydor ka!

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines