Balita

Geraldo, bagong PH bantam champ

- Ni GILBERT ESPEÑA

NAKAMIT ni dating world rated Mark Anthony Geraldo ang Philippine super bantamweig­ht title nang patulugin ang batambatan­g si Virgel Vitor sa 6th round ng kanilang sagupaan kamakailan sa Tagbilaran City, Bohol.

Ikatlong sunod na panalo ito sa knockout ng 27-anyos na si Geraldo mula nang matalo via 7th round stoppage kay Frenchman Nordine Oubaali noong Disyembre 16, 2017 sa sagupaan sa Boulogne-Billancout.

Naging WBC bantamweig­ht champion si Oubaali nang talunin sa puntos ang Amerikanon­g si Rau’shee Warren sa undercard ng depensa ni WBA welterweig­ht champion Manny Pacquiao kay Adrien Bronner noong nakaraang Enero 19 sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.

Para sa 21-anyos na si Vitor, masaklap ang kanyang pagkatalo sa harap ng mga kababayan sa Bohol at ito ang unang pagkatalo niya via stoppage makaraan ang 13 pagwawagi, 7 sa pamamagita­n ng knockouts at 1 talo.

Napaganda naman ng tubong Bukidnon na si Geraldo ang kanyang rekord sa 37-9-3 na may 18 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines