Balita

Misal, hataw sa Flexible Cup Int’l Table Tennis

-

GINAPI ng Team Joola, sa pangunguna ni dating UAAP star John Russell Misal, ang University of Santo Tomas Team B, 3-0, sa Men’s Open team event nitong Biyernes sa pagsisimul­a ng 9th Flexible Cup Internatio­nal Table Tennis Championsh­ips sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

Kipkip ang karanasan sa matikas na kampanya sa World Championsh­ip of PingPong sa London kung saan umabot siya sa Round-of-16, pinatob ni Misal si Nico Nayre, 11-7, 11-9, 11-9 sa first matchm habang ginapi ni Chen Lei Xin si Reymart Mabuang, 11-2, 11-4, 11-5 sa second match. Kinumpleto ni Alexis Bolante ang sweep ng Team Joola sa 11-6, 11-4, 11-6 panalo kay Carl Victorio,

“Matagal na kaming naglalaro ni Nico, patas lang kami, medyo napaganda lang ang gising ko,” pahayag ni Misal, UAAP Rookie of the Year (2013) at Most Valuable Player (2017) nang gabayan ang National University.

“Maraming magagaling, pero pipilitin kong makuha ang gold medal at magchampio­n dito,” sambit ni Misal, nakalinya ring lumaro sa men’s single Open event.

Napukaw ni Misal ang atensyon ng internatio­nal table tennis community nang gapiin ng pambato ng Toril, Davao City, ang pamosong local player na si Ashley Stokes para makausad sa Round-of-16 sa prestihiyo­song World Championsh­ip of Pingpong na ginanap nitong Enero 2630 sa London. Bahagi siya ng Philippine delegation sa Sports Exchange program ng Table Tennis Associatio­nfor National Developmen­t (TATAND) sa Beijing at nagsanay sa Shengdeng, China sa nakalipas na taon.

Kabilang din sa Joola team sina Jong Ortalla at Charlie Lim, honorary president (TATAND), ang organizer ng torneo na pagtataguy­od ng Flexible Packaging Corporatio­n.

Bukod sa Team Joola at UST-2, kasama nila sa Group C ang Malaysia at Fleet Marine. Indonesia, Philippine Army, Baker Studio and TrudelUST ay nasa Group A, habang ang University of Taipei, Green Paddle, UST-1 at Omila Sports Academy ay nasa Group B at magkakasam­a sa Group D ang Chinese Taipei, Hua Ching, Crime Lab-Altruists at Jade Dragon.

Ang mangunguna­ng dalawang koponan sa bawat grupo ay uusad sa second stage ng torneo na may nakalaang P50,000 para sa overall team champion at P10,000 sa men's and women's singles champions.

Mahigit 400 players ang sumabak sa torneo na may events na high school, collegiate at Open divisions. Ang mga mangunguna­ng players sa individual event ay mabibigyan ng pagkakatao­n na makasama sa TATAND delegation para sa sports exchange program sa China.

 ??  ?? SINIMULAN ni WORLD Championsh­ip in Pingpong campaigner John Russell Misal (kaliwa) ang kampanya sa matikas na ratsada sa 9th Flexible Cup Internatio­nal Table Tennis Championsh­ip, habang masayang pinasinaya­han nina Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND) honorary president Charlie Lim, kasama sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Commission­er Charles Maxey, Presidenti­al Anti-Graft Commission­er Greco Beljica, Philip Uy at Joey Sy.
SINIMULAN ni WORLD Championsh­ip in Pingpong campaigner John Russell Misal (kaliwa) ang kampanya sa matikas na ratsada sa 9th Flexible Cup Internatio­nal Table Tennis Championsh­ip, habang masayang pinasinaya­han nina Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND) honorary president Charlie Lim, kasama sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Commission­er Charles Maxey, Presidenti­al Anti-Graft Commission­er Greco Beljica, Philip Uy at Joey Sy.
 ??  ?? Misal
Misal

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines