Balita

BLUE CHIPS!

Kuzma at Tatum, bumida sa Team USA vs World

-

CHARLOTTE, N.C. (AP) — Kung may agam-agam pa ang basketball fans sa future ng NBA, may bagong pag-asa.

Pinatunaya­n ni Los Angeles Lakers' Kyle Kuzma, Philadelph­ia's Ben Simmons at Boston's Jayson Tatum na handa sila na sandaling magdesisyo­n nang magretiro si LeBron James para mabigyan ng magandang laban ang historysee­king Golden State Warriors.

Umulan ng three-pointer at sandamakma­k na dunks ang napanood ng mundo, sa World vs Team USA – isa sa side even ng 2018 All-Star Weekend – sa pangunguna ni Kuzma na kumana ng 35 puntos para sandigan ang USA sa 161-144 panalo kontra sa World nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si Tatum ng 30 puntos sa larong may pinagsaman­g 37 3-pointers, 55 dunks at 12 free throws.

"Last year, the World team kicked our butts," pahayag ni Kuzma. "They came in here and beat us by 30. A lot of us kind of remembered that."

Kumubra si Tatum ng 30 puntos, habang tumipa sina Atlanta's Trae Young ng 25 puntos at 10 assists, Sacramento's De'Aaron Fox na may 15 assists at Utah's Donovan Mitchell na may 20 puntos, siyam na assists at pitong rebounds.

"There's a $25,000 bonus for winning the game," sambit ni Kuzma, tinanghal na MVP sa laro. "So that's good."

Nanguna si Philadelph­ia's Ben Simmons sa World team sa naiskor na 28 puntos mula sa 14 for 17 shooting, habang kumana sina Chicago's Lauri Markkanen ng 21 puntos at Dallas' Luka Doncic na may 13 puntos at siyam na assists.

Naging maayos ang lahat at tunay na katuwaan ang aspeto maging sa speech ng mga coach na sina U.S. coach Kyrie Irving ng Boston Celtics at World coach Dirk Nowitzki ng Dallas Mavericks.

"I want us to share the ball and not one guy dribble it 20 times and hoist something up — like Luka does with the Mavs," pahayag ni Nowitzk.

 ?? AP ?? KUZMA: Tinanghal na MVP.
AP KUZMA: Tinanghal na MVP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines