Balita

Dirk at Wade, ‘last shot’ sa All-Star Game

-

MISTULANG ‘Farewell game’ sa All-Stars nina Dwyane Wade ng Miami Heat at Dirk Nowitzki ng Dallas ngayon sa Charlotte, North Carolina.

Dalawang dating pinakamaan­gas sa liga, nabigyan ng pagkakatao­n ang dalawa na makibahagi sa All-Star Weekend sa special exception ni NBA Commission­er Adam Silver.

May pinagsaman­g 27 All-Star appearance­s ang dalawa – 14 kay Nowitzki, 13 kay Wade.

‘Last shot’ na ni Wade ang 201819 matapos pormal na ipahayag ang pagreretir­o sa susunod na season, habang si Nowitzki ang may pinakamaba­hang career (21 season) sa kasalukuya­n sa iisang team. Walang nabanggit si Nowitzki, pero mas malamang na huli niya na rin ngayong season.

Si Nowitzki ang nag-iisang foreign-born player na kabilang sa pitong 30,000-point scorers ng NBA.

Bukod sa honorary All-Star ay sasabak din sa 3-point shootout at coach ng World team si Nowitzki laban sa US team ni Kyrie Irving sa Rising Stars game. Ang German sniper ang tanging 7-footer na naghari sa 3-point contest noong 2006.

Sa laro, inaasahan na ni Nowitzki na mistula lang siya saling-kit.

“It’s going to be fun to be part of and watch, maybe coach some, maybe get in for a minute or two,” pahayag ng g 2007 MVP. “But really I think that game is more about the guys that deserve to be there and got voted in.”

Ang kapareho niyang hindi ibinoto, ganito rin ang pananaw.

“Me and him have had our fair share of All-Star games,” sambit ni Wade. “This is a lot different for what we’re looking to get out of it. I’m glad it’s me and Dirk. I think it fits.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines