Balita

MAGSASAKA, PAANONA?

‘Di sila pababayaan, tutulungan sila—DTI chief

- PEBRERO 16, 2019 (SABADO)

Iginiit ng Department of Trade and Industry na walang talo ang magsasaka sa Rice Tarifficat­ion Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes.

Ito ang sagot ni DTI Secretary Ramon Lopez sa mga batikos na hindi maganda ang epekto ng batas sa mga magsasaka sa bansa.

Ayon kay Lopez, hindi malulugi ang mga magsasaka sa RTA dahil tutulungan silang makipagsab­ayan sa mga importer ng bigas.

“Hindi naman po sila pababayaan, tutulungan din sila para makasabay, bumaba ang cost, tumaas ang kanilang productivi­ty. Tuyulungan sila sa pondo, sa fertilizer, sa irrigation sa tubig, sa financing nila at sa iba pang mechanism para may mga equipment sila para makalaban sila at dumami ang supply,” paglilinaw ni Lopez.

Sa ilalim ng RTA, kahit sino ay maaaring mag-angkat ng bigas basta’t magbayad lamang ng 35 porsiyento­ng taripa.

Idiniin din ni Lopez na hindi sasadsad ang presyo ng bigas dahil sa RTA. “Hindi mangyayari yung sobra sobrang pagbaba ng presyo dahil malulugi naman ang nag-import kasi kapag nangyari ‘yan ay titigil naman sila mag-import kaya ang mangyayari ay dapat magbalanse na,” aniya.

Ikinatuwa ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang paglalagda ng Pangulo sa Rice Tarrificat­ion Act at hiniling ang lubusang pagpapatup­ad nito, binanggit na makatutulo­ng ito para maibsan ang inflation.

“Now we can focus on its proper implementa­tion so that everyone can and should benefit from the law,” ani Arroyo, kahapon

Sumang-ayon dito si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuert­e, co-author ng RTA.

“Rice tarifficat­ion will benefit poor households the most, given that rice accounts for 20 percent of their consumptio­n,” aniya

Ngunit labis na nababahala si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate bagong batas na aniya ay magiging death warrant sa agrikultur­a ng bansa.

“With the rice tarifficat­ion, the rice cartels can tighten their hold on the price of rice as well as the supply. Ang mangyayari sa presyo ng bigas ay matutulad sa presyuhan ng langis na parating tumataas depende sa internatio­nal market dahil mas doon nakasalala­y ang supply,” aniya.

Idiniin niya na ang rice cartel at ang foreign rice suppliers lamang ang makikinaba­ng sa RTA.

DEATH SENTENCE

Sinabi ng isang grupo ng mga magsasaka na ang RTA ay magbibigay-daan sa walang prenong rice importatio­n at pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang Act ay katumbas ng death sentence para sa local rice industry at mga magsasaka.

Idinagdag nito, na direktang maapektuha­n ng batas ang 13.5 milyong magsasaka ng palay at kanilang mga pamilya, 17.5M manggagawa sa bukid, at mahigit 10 milyong Pilipino na umaasa sa NFA rice, 20,000 rice retailers at 55,000 rice mill workers.

“It’s the beginning of the end of the local rice industry. Even with the rice industry enhancemen­t fund, the local rice industry do not stand a chance with massive rice imports,” diin ni KMP chairperso­n Danilo Ramos.

Tinawag din ng Migrante Internatio­nal, samahan ng overseas Filipino workers, na “death sentence to the local rice industry’’ ang paglagda ni Pangulong Duterte sa rice tarrif bill.

Samantala, hinimok ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang gobyerno na maghanda sa magiging epekto ng rice tarrificat­ion law sa mga lokal na magsasaka, nagbabala na ng “over supply” ng bigay ay labis makakaapek­to sa kanila.

“If you bring in too much commodity from the outside, you deprive local farmers of their source of livelihood, so we should be using tariffs to protect them,” paliwanag ni Enrile sa isang panayam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines