Balita

Pagbabawal sa kandidato sa graduation, uubra?

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Ikokonside­ra ng Department of Education (DepEd) na ipagbawal ang pag-iimbita ng mga kandidato bilang guest speakers sa graduation rites sa mga paaralan ilang buwan bago ang eleksiyon sa Mayo 13, 2019.

Ito ang tugon kahapon ni Education Undersecre­tary Nepomuceno Malaluan sa panawagan ni Commission on Elections (Comelec) Spokespers­on James Jimenez sa pamunuan ng mga eskuwelaha­n na huwag magimbita ng mga kandidato sa kanilang graduation rites.

Ayon kay Malaluan, wala namang election guidelines na nagbabawal sa pag-iimbita ng kandidato bilang guest speakers sa graduation ceremonies.

Gayunman, maaari naman aniya nilang talakayin ang suhestiyon ni Jimenez sa executive committee meeting ng kagawaran.

Nilinaw naman ni Malaluan na ang ipinagbaba­wal sa kanilang guidelines ay ang gawing political forum o platform ang graduation rites ng mga estudyante.

Aminado naman si Malaluan na sa sandaling kandidato ang naimbitaha­ng tagapagsal­ita sa graduation ceremonies ay hindi na maiiwasang mahaluan ito ng pulitika.

“Pag-uusapan namin ‘yan, dahil obviously, it’s (graduation rites) not a political activity. It is not meant directly to ask for the vote of a person. Pero kung mauwi sa ganun ay ‘yun ang pinagbabaw­al,” sinabi ni Malaluan sa isang panayam sa radyo.

“Malinaw naman kasi sa kanilang (Comelec) guidelines what constitute­s electionee­ring. Kung hindi naman ginagamit bilang isang partisan political activity ang graduation, halimbawa ang isang kandidato ay magpapahay­ag lamang tungkol sa graduation or some issues, hindi naman puwedeng sabihin siguro na electionee­ring ‘yun,” aniya pa.

“Ang isang graduation naman ay maaaring ganapin that will not involve those actions even if the guest is a candidate. That includes in the awareness of a candidate,” paliwanag pa ng education official. “But if it does not generate into a solicitati­on of votes, then you could not include it as an electionee­ring activity.”

Binalaan naman ni Malaluan ang pamunuan ng mga paaralan na maaaring maharap sa administra­tive sanctions sakaling magkaroon ng act of electionee­ring sa kanilang graduation rites.

Sa Abril hanggang Mayo inaasahan ang serye ng graduation rites, na natapat sa 90-araw na official campaign period para sa midterm elections.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines