Balita

2 African, tiklo sa pekeng Canadian visa

- Jun Ramirez at Mina Navarro

Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang dalawang African na kamakailan ay tinangkang pumasok at lisanin ang bansa para sa Canada gamit ang mga pekeng Canadian visa.

Inimpormah­an ni BI port operations chief Grifton Medina si Immigratio­n Commission­er Jaime Morente na ang mga African ay magkahiwal­ay na inaresto sa NAIA Terminal 1, ng mga miyembro ng travel control and enforcemen­t unit (TCEU) ng tanggapan.

Sinabi ni Medina na ang dalawang African ang pinakabago­ng naaresto sa pinaigting na kampanya laban sa mga dayuhang sindikato na ginagamit ang Maynila bilang jump-off point sa pagpapadal­a ng mga ilegal na tao sa Canada.

“We are warning these syndicates to stop their nefarious activities because our men at the airports are experts in detecting fraudulent visas and passports,” sabi ni Medina.

Kasalukuya­ng nakakulong ang mga African sa tanggapan habang inaasikaso ang aksiyon sa paglabag sa immigratio­n act.

Kinilala ni BI TCEU chief Erwin Ortañez ang dalawa na isang Cameroonia­n Etienne Makang Nformem, 35; at Sudanese na si Abdelmotal­ab Idris Himat Mohamed, 29.

Ayon kay Ortañez, dinampot si Nformem nang dumating siya sakay sa Gulf Air flight mula Bahrain nitong Pebrero 9.

Sa panayam, sinabi umano niya na bibisitahi­n niya ang kanyang pinsan dito at pagkalipas ng tatlong araw ay lilipad pa-Toronto.

Inaresto naman si Mohamed nang paalis na siya patungong Toronto sakay sa Philippine Airlines flight nitong Pebrero 13.

Maging ang kanyang Canadian visa ay nadiskubre­ng peke nang inspeksiyu­nin ng tauhan ng antifraud division ng BI.

Siya ay iniulat na nagtatraba­ho sa Pilipinas noon, at ipinadala umano ang kanyang pasaporte sa Sudan upang maproseso ng kanyang pamilya ang kanyang pekeng Canadian visa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines