Balita

Dave M. Veridiano, E.E. Pinsala ang dala ng ‘reclamatio­n’ sa Manila Bay!

(Ikalawang bahagi)

-

PAGPASOK pa lamang ng kasalukuya­ng dekada, kabi-kabila na ang pagtutol sa napabalita­ng “reclamatio­n projects” sa Manila Bay, ngunit ‘tila may kababawan ang pangunahin­g pangamba rito ng karamihan –ito ay ang posibleng pagkawala ng magandang tanawin ng paglubog ng araw sa makasaysay­ang look.

Lumalim na lang ang pangamba ng ating mga kababayan nang magsimulan­g kumibo at magingay ang ating mga scientist, matapos magsaliksi­k

hinggil sa masamang idudulot ng “reclamatio­n projects” sa mga siyudad at pamayanan na nakasasako­p sa mga lugar na “tatambakan” upang gawing commercial complex, na siguradong ang magiging pangunahin­g negosyo sa palibot nito ay mga casino.

At dito na ako medyo kinakabaha­n – dahil sa susunod na linggo ay uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tinatawag nilang “dredging activities” sa tatlong lugar sa palibot ng Manila Bay, matapos mag-ocular sa look at Navotas River bago isinagawa ang “depth measuremen­t test ” at “water quality test”.

Nakababaha­la kasi dahil baka ito na ang hudyat para umpisahan ang “43 reclamatio­n projects” sa Manila Bay na sasakop sa 265 hectares o 2,650,000 square meters, na tatayuan ng mga higanteng mall na tatawaging “Pearl Harbor City”.

Sana naman ay hindi pa ito ang umpisa -- bagkus ay pag-aralan muna ng DPWH at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan, ang pagsasalik­sik na ginawa ng mga pantas sa siyensiya na nagbigay ng babala sa kapahamaka­ng idudulot ng “massive reclamatio­n” sa Manila Bay.

Lalo na ang isinulat ng lodi kong si Dr. Kelvin S. Rodolfo sa “On Geological Hazards that Threaten

Existing and Proposed Reclamatio­ns of Manila Bay” na naglalaraw­an ng ‘di mapipigil na trahedya kapag itinuloy ang “reclamatio­n projects” dito.

Tatlong “ngitngit ng kalikasan” na ‘di mapipigila­n ang sinasabing magaganap – puwedeng magkakahiw­alay o magkakasab­ay – na magdadala ng malaking pinsala sa buong Metro Manila at sa mga kanugnog na lalawigan ng Bulacan, Bataan, Pampanga at Cavite. Ang mga ito ay pagbaha, higanteng daluyong (storm surges), at ang pagguho ng mga gusali sa mga “reclaimed areas” sanhi ng “liquefacti­on” kapag nagkalindo­l.

Batay sa pagsasalik­sik, dahil sa “global warming” ay patuloy ang unti-unting pagtaas ng tubig-alat sa Manila Bay, habang ang mga lugar naman sa paligid nito ay lumulubog ang lupa dahil sa sobrang paghigop sa “ground water” na gamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Kapag pinagsama ang sukat ng pagtaas ng tubig at ang sukat ng paglubog naman ng lupa – hindi biro ang pinsalang idudulot ng tubig na aahon sa buong kalupaan sa paligid ng Manila Bay, hindi lang kapag “high tide” bagkus sa konti lang na pagbuhos ng ulan at mas lalo pa kung may bagyo.

Kapag itinuloy ang “reclamatio­n projects”, ang Manila Bay ay magmimistu­lang isang balde na puno ng tubig, na kapag nilagyan ng malalaking tipak na bato at buhangin ay aapaw ang tubig at babaha sa buong paligid nito.

Ang isang malaking halimbawa ng ganitong pangyayari ay ang pagtatamba­k sa dating pamosong “catch basin” sa lugar na sakop ng Caloocan City, Navotas at Malabon noong dekada ‘70, na kung tawagin ay Dagat-dagatan.

Nang matabunan ang lugar na ito at gawing “subdivisio­n” para sa masa – proyekto noon ng Marcos Administra­tion – kahit hindi umuulan, basta tumaas lang ang pagkati ng tubig-dagat (high tide), baha agad sa mga mababang lugar, lalo na sa Navotas at Malabon, na dati namang ‘di man lang binabaha.

Resulta, nasira ang malalaking palaisdaan sa lugar dahil sa walang tigil na pagbaha, at ang naging remedyo – ang mga palaisdaan ay ginawang tambakan na lang ng mga basura na galing sa buong Metro Manila.

Sa huling bahagi ang dalawa pang nagbabanta­ng panganib ng “reclamatio­n projects” sa Manila Bay.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o magemail sa: daveridian­o@yahoo.com.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines