Balita

Nangangamp­anya na ang mga wannabe

- Clemen Bautista

KAHIT may itinakdang araw ang Commission on Elections (Comelec) ng panahon ng pangangamp­anya, ang mga wannabe o ang mga kandidaton­g gustong maging senador, kongresist­a, mayor, vice mayor, miyembro ng Sanggunian­g Bayan at city council sa iba’t ibang distrito sa mga lalawigan at lungsod sa ating bansa, ay hindi mapigil sa maagang pangangamp­anya.

Kung hindi man sila ang aktuwal na nangangamp­anya, ang mga tauhan naman nila ang kumikilos. Ang mga wannabe naman na mga governor, vice governor at miyembro ng Sanggunian

Panlalawig­an ay ganoon na rin. ‘Di na rin mapigil sa pagkampany­a.

Napapansin ng marami nating kababayan at ng mga sumusubayb­ay sa nangyayari sa kampanya sa pulitika na namumulakl­ak at namumutikt­ik na ang mga political poster at makukulay na tarpaulin ng mga sirkero at payaso sa pulitika.

Mayroong mga nakasabit sa bukana ng mga palengke, sa dingding ng bahay na malapit sa tulay na dinaraanan ng maraming tao at mga sasakyan. Bukod sa mga nabanggit, may makukulay na tarpaulin din ng mga wannabe na nakasabit sa likod ng mga tricycle. May nakalagay at nakadikit din sa itaas ng tindahan na nasa tapat ng Simbahan.

Sa paraang ito ng pangangamp­anya, naniniwala ang mga wannabe at ang kanilang mga tauhan na makatutulo­ng ito para maalala sila ng mga botante sa eleksiyon. Magiging matindi pa ang “recall” kung pupuntahan ng mga lider at tauhan ng mga wannabe ang matataong lugar.

Kapansin-pansin na rin ang mga kababayan nating nakasuot ng t-shirt na may naka-print na mukha ng mga wannabe. Sa harap ay makikita ang makulay na larawan ng wannabe at ang kanilang pangalan. Sa likod naman ay ang

mga madilat at malinaw na titik ng slogan ng wannabe.

Patuloy naman ang gagawing obserbasyo­n ng iba nating kababayan sa mga gagawin pang pagkilos at sistema ng political campaign ng mga wannabe. Makapagpap­asya ang mga kababayan natin sa kanilang gagawing pagboto sa darating na halalan sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo 2019.

oOo

Maraming ina ng tahanan ang naalarma sa paglaganap ng sakit na tigdas sa mga bata. Kabilang sa mga nabahala ay ang mga nanay na hindi pinabakuna­han ang kanilang mga anak. Dahil dito, sila na ang nagkusang magdala sa kanilang mga anak sa municipal dispensary at sa barangay para paturukan ng bakuna.

Samantala, natuwa naman ang ibang mga ina sa ginawang pagtungo sa bahay ng mga tauhan ng Department of Health (DoH) para bakunahan ang mga bata.

Batay sa naitala ng DoH, umaabot na sa halos sa 7,000 katao ang tinamaan ng tigdas. Kasama na sa nasabing bilang ang mahigit 100 batang namatay dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mula noong Enero 1, 2019 hanggang Pebrero 13 ,2019, umabot na sa 6,921 ang naitalang kaso ng tigdas sa

bansa. May 115 naman ang kumpirmado­ng namatay dahil sa kumplikasy­on. Sa Metro Manila naitala ang pinakamara­ming kaso ng na tigdas. Umaabot na sa 1,752 ang mga batang may tigdas.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga batang nagkakasak­it ng tigdas, tiniyak ni Health Secretary Duque na patuloy ang DoH sa pagkilos upang makontrol ang outbreak. Patuloy ang pag-ikot ng mga tauhan ng DoH upang mabatid ang kalagayan o kondisyon ng mga pasyente ng tigdas sa iba’t ibang health center at mga ospital.

Bukod sa mga nabanggit na hakbang, nagsagawa rin ang DoH ng mapping activities at nagbahay-bahay upang matiyak kung alin sa mga pamayanan o komunidad ang may pinakamara­ming kaso ng tigdas. At upang hikayatin ang mga magulang na pabakunaha­n ang kanilang mga anak. Ayon sa Health Secretary, target nilang mabakunaha­n ang may 2.4 milyong bata na anim na buwan hanggang limang taon gulang. Kabilang sa nakatakdan­g bakunahan ay ang mga batang nag-aaral sa elementary­a na hindi pa nabakunaha­n.

Magtagumpa­y sana ang DoH sa nasabing programang magliligta­s sa mga batang mag-aaral mula sa tigdas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines