Balita

1Bataan, wagi sa Pilipinas 3x3

- Marivic Awitan

TINANGHAL na hari ang 1BATAAN Risers sa first leg ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup, matapos igupo ang Pasig Grindhouse Kings, 1918, sa Finals nitong Sabado sa SM Megamall Events Center sa Mandaluyon­g.

Pinamunuan nina Alvin Pasaol at Santi Santillan ang panalo matapos uniskor ng tig-7 puntos.

“Sobrang saya namin kasi nagwork hard talaga kami,” ani Pasaol.

Nakalamang pa sa huling pagkakatao­n ang Pasig sa pamamagita­n ng isang long trey ni Joshua Munzon, 18-17, may 55 segundong natitira sa laban.

Agad namang binawi ni Santillan ang kalamangan, 19-18, 30 segundo na lamang ang nalalabi sa orasan.

Tinangka pa uli ni Munzon na bumato ng tres ngunit kinapos ang kanyang bitaw at hindi na sila muli pang naka attempt hanggang maubos ang oras.

Dahil sa panalo, nakamit ng Risers abg premyong P100,000 mula sa MLV Accounting RPS Zamboanga.

“Tinalo namin sila sa sipag siguro. Wala na kaming ibang strategy kasi sobrang laki nila. Underdog na nga kami, undersized pa kami,” ayon pa kay Pasaol.

Naging matagumpay ang inaugural staging ng torneo na inorganisa nina Chooks-to-Go president Ronald Mascarinas at commission­er Eric Altamirano na dinaluhan din nina dating Gilas Pilipinas head coaches Tab Baldwin at Chot Reyes, ambassador­s Kobe Paras, Kai Sotto, Terrence Romeo, at Calvin Abueva, FIBA 3x3 business director Fei Gao, at FIBA Oceania and Singapore executive director David Crocker.

Nagwagi naman si Paras sa side event na Paras Gameville Dunk Contest habang bumawi naman si Ababou sa Gameville Three-Point Shootout.

Ang susunod na leg ng President’s Cup ay gaganapin sa Pebrero 24, sa SM Megamall Events Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines