Balita

Team Joola, sabak sa Flexible Cup semifinals

- Ni EDWIN ROLLON

HATAW ang Team Joola sa isa pang dominanten­g laro para bokyain ang Philippine Army, 3-0, nitong Sabado para makasikwat ng semifinal slots sa Men’s Team Open division ng 9th Flexible Cup Internatio­nal Table Tennis Championsh­ips sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

Naisalba ni World Championsh­ips of Pingpong campaigner John Russell Misal ang kabiguan sa unang set para magapi si George Quijano, 8-11, 11-8, 11-7, 11-9, at sandigan ang dominasyon ng Team Joola sa torneo na inorganisa ng Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND) sa pagtataguy­od ng Flexible Packaging Corporatio­n.

Nauna rito, ginapi ni Chinese import Chen Lei Xin si Kim Ramos, 11-6, 11-6, 11-6; habang walang hirap si Alexis Bolante via walk over kontra Homer Tiongson para makausad ang Team Joola sa semifinals kasama ang Indonesia, Hua Ching at University of Taipei.

Ginapi ng Indonesia, binubuo nina Zahru Nailufar, Bima Abdi Negara at Luki Purkani, ang Malaysia, 3-0.

Pinangunah­an naman nina National team members Richard Gonzales at Jann Mari Nayre ang Hua Ching sa 3-0 panalo kontra Jade Dragon, habang nabokya ng University of Taipei, binubuo nina Huang Yu-Jen, Chen Chun-Hsiang at Sung Min-Hong, ang Green Paddle, 3-0.

Naunang pinadapa ng Team Joola, kasama rin sina Jong “The Asian Killer” Ortalla, Charlie Lim at Philip Uy, ang Malaysia (3-1), Fleet Marine (3-0) at University of Santo Tomas (3-0) sa first round para makausad sa quarterfin­al slot.

Sa men’s Open singles event, naungusan ni Malaysian Chin Wen Jei si erwin Edel ng Salle, 3-1,para maisaayos ang second-round showdown kay Homer Tiongson of Philippine Army. Pinataob ni Tiongson si University of Santo Tomas bet Ramon Gomez, 3-2.

Mahigit 400 players ang sumabak sa six-division tournament na may nakalaang P50,000 para sa team champion habang may tigP10,000 para sa men’s singles at women’s singles winners. Ang mangunguna­ng players sa kanikanila­ng division ay awtomatiko­ng maisasama sa delegasyon ng Pilipinas para sa China for Sports Exchange program ng TATAND, ayon kay TATAND honorary president Charlie Lim.

 ??  ?? IBINALIK ni Philip Uy ng Team Joola ang tira sa pamatay na super loop shot sa kanyang laro sa in 50-over class ng 9th Flexible Cup Table Tennis Internatio­nal Championsh­ips, habang (kaliwa) masayang nakiisa sina Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Ramon Fernandez at two-time Olympian (92 at 96) Michael Hyatt ng Jamaica sa mga opisyal ng organizing Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND).
IBINALIK ni Philip Uy ng Team Joola ang tira sa pamatay na super loop shot sa kanyang laro sa in 50-over class ng 9th Flexible Cup Table Tennis Internatio­nal Championsh­ips, habang (kaliwa) masayang nakiisa sina Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Ramon Fernandez at two-time Olympian (92 at 96) Michael Hyatt ng Jamaica sa mga opisyal ng organizing Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND).
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines