Balita

Mataas na pag-asa sa pagbibigay prayoridad para sa agrikultur­a ngayong taon

-

MALAKING bahagi ng atensiyon ng publiko ay nakatuon ngayon sa nalalapit na midterm election sa Mayo, habang mahigpit ang pagbabanta­y ng pamahalaan sa mga presyo sa merkado upang masiguro na hindi ito sisirit katulad ng nangyari noong nakaraang taon. Ngunit isang pangmataga­lang programa na dapat na mabigyan ng buong atensiyon simula ngayong taon ay ang plano na bigyan ng malaking tungkulin ang agrikultur­a ng Pilipinas para sa pambansang pag-unlad.

“The farm sector had virtually zero contributi­on to economic growth last year,” sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, nitong nakaraang linggo. Noong 2018, nasa 0.9 na porsiyento lamang ang inilago ng agrikultur­a at nag-ambag lamang ng 0.1% puntos sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) growth na 6.2% para sa buong taon. Kung nakamit ng agrikultur­a ang potensyal nitong 4%, aniya, aabot sa 6.5% ang GDP ng bansa.

Ngayong taon, sinabi ni Secretary Diokno na prayoridad ng administra­syong Duterte ang sektor ng agrikultur­a. Nakikipagt­ulungan na ngayon ang mga economic manager sa mga opisyal ng sektor ng agrikultur­a upang magpatupad ng mga programang pagpapaunl­ad sa pamamagita­n ng paglalaan ng mas malaking halaga, pagtuon sa pananaliks­ik sa agrikultur­a at kaugnay nitong serbisyo, at ang tulong sa mga magsasaka sa produksiyo­n at pagbebenta.

Malaking bahagi ng programa ang nakatuon sa mas maluwag na pagpasok ng maliliit na magsasaka sa mga credit at loan facilities, ani Secretary Diokno. Naipresent­a na ng Land Bank of the Philippine­s ang paraan kung paano ito maisasakat­uparan. Isinasaayo­s na rin ng Agricultur­e Credit Policy ang Production Loan Easy Access program upang mas maraming maliliit na magsasaka ang maabot nito sa mga lugar sa bansa na nananatili­ng walang serbisyo ng mga banko.

Matagal nang binabanggi­t ang malaking pag-asa ng sektor ng agrikultur­a para sa pambansang pag-unlad ng ekonomiya, katulad ng production at pagluluwas ng bigas bilang isa sa pinakaunan­g hangarin ng maraming nagdaang administra­syon. Ang administra­syon ni Marcos ay may programang Masagana 99 na nagtagumpa­y sa maikling panahon sa pagluluwas ng bigas, ngunit agad ding itong nasira sa harap ng mababang lokal na produksiyo­n laban sa higit na mas magandang rice program ng Vietnam at Thailand. Sa kasalukuya­n, umaangkat tayo ng malaking bahagdan ng ating pangangail­angan sa bigas sa nabanggit na dalawang bansa.

Gayunman, nasa sa atin ang lahat ng potensiyal upang makapag-ani ng sarili nating bigas—ang ating malawak na lupain, ang bagong mga high-yielding and dought at pest-resistant rice varieties na likha ng ating sariling mga agricultur­al researcher­s, ang sapat na ulan at, sa panahon ng tagtuyot, ang mga patubig o irigasyon na ngayon ay ibinibigay na ng libre ng pamahalaan. Para sa ating sektor ng pangingisd­a, marami tayong mga ilog at lawa at ang ating libu-libong mga isla na napalilibu­tan ng mga dagat. Lahat ng mga potensiyal na ito ay matagal nang nasa atin ngunit hindi natin nagawang mapaunlad at magamit ang mga ito nang lubusan.

Ang naging anunsiyo ni Secretary Diokno nitong nakaraang linggo na ngayon taon ay pagtutuuna­n ang agrikultur­a, ang nagpapataa­s ng pag-asa na sa wakas ang matagal nang napabayaan­g bahagi ng pambansang pag-unlad ay makatatang­gap na ng nararapat na atensiyon mula sa pamahalaan. Magsisimul­a ito sa alokasyon ng pondo, na sinimulan na ng kalihim ng DBM. Dapat na itong tumuloy sa Department of Agricultur­e at sa marami nitong kaugnay na ahensiya at mga field workers, at sa mga lending at marketing institutio­n ng pamahalaan.

Maaaring hindi kasing laki ang pondo para sa agrikultur­a kumpara sa programang pangimpras­truktura na “Buil, Build, Build” ng pamahalaan, ngunit kung sisimulan natin ngayong taon ang malawakang programa para sa agrikultur­al na pag-unlad, malaki ang maiaambag nito sa pambansang pag-unlad, sa halip na “virtual zero contributi­on” na nangyari nitong nagdaang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines