Balita

Patuloy na pagpapatib­ay ng kalidad ng TVET

- PNA

IPAGPAPATU­LOY ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) ang pagpapapal­akas ng kalidad ng technical and vocational education and training (TVET), pangako ng ahensiya sa isang panayam nitong Biyernes.

Isa sa mga dahilan ng hakbang na ito ay ang pagkilala na natatangga­p ng TESDA mula pa noong 2013. Pinakabago sa mga parangal na ito ang Bayan Academy na ibinigay ngayong linggo.

“TESDA received a special recognitio­n from Bayan Academy for the agency’s ‘contributi­on in building the nation from below through social capital formation’,” pahayag ni TESDA Planning Office executive director, Marissa Legaspi.

Halos isang dekada nang magkatuwan­g ang dalawang institusyo sa pagkakaloo­b ng mga programang nagbibigay-benepisyo sa lakas-paggawa ng Pilipino.

Bahagi ng partnershi­p ang Bayan Academy technical assistance, sa inisyatibo ng TESDA at ang suporta ng TESDA sa pamamagita­n ng scholarshi­p sa mga nagsasanay sa mga programa ng Bayan Academy.

Binigyang-diin ni Legaspi na hindi ito ang unang pagkakatao­n na kinilala ng mga katuwang nito ang pagsisikap ng TESDA.

Noong 2013, ipinagkalo­ob sa TESDA ang Partnershi­p of the Industry Award by the Semiconduc­tor and Electronic­s Industry of the Philippine­s, Inc. (SEIPI).

“This was in recognitio­n of TESDA’s contributi­ons to the industry in terms of developing the needed manpower through scholarshi­p provision,” ani Legaspi.

Natanggap din ng TESDA ang “JICA President Award for the Project on Rehabilita­tion and Recovery from Typhoon Yolanda” noong 2018, na kumikilala sa TESDA bilang isa sa mga katuwang ng JICA sa implementa­syon ng proyekto upang maisaayos ang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013.

Noong nakaraang taon, kabilang din ang TESDA sa mga ahensiya na nakatangga­p ng Philippine Quality Award (PQA) mula kay President Rodrigo Duterte.

“TESDA was awarded the PQA Level 1- Recognitio­n for Commitment to Quality Management, and was the first to receive such award among education agencies. Together with its ISO 9001:2015 Certificat­ion, the PQA is testament to the integrity and quality of TESDA’s TVET programs and its services,” pagmamalak­i ni Legaspi.

Sa mga natamong karangalan at pagkilala, sinabi ni Legazpi na mananatili ang TESDA sa pagtulong sa mga Pilipio na iangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagita­n ng skills training programs.

“The agency is committed to help ensure that TVET graduates will not only be given access to training, but have a job or livelihood. This is the mantra that TESDA will pursue in the coming years,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines