Balita

Tamang pagmamaldi­ta, pinag-aralan ni Therese

- Ni NITZ MIRALLES

EXCITED si Therese Malvar na marami siyang natututuha­n sa mga katrabaho niya sa Inagaw Na Bituin, lalo na at first time niya itong gaganap sa kontrabida role.

“So excited to be learning a lot from the cast and director of #InagawNaBi­tuin,” caption ni Therese sa picture na ipinost niya habang kasama niya ang cast ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 sa ginanap na presscon ng serye.

Mahuhusay sa acting ang mga kasama ni Therese sa Inagaw

Na Bituin, at si Mark Reyes pa ang direktor, kaya marami nga siyang matututuha­n kina

Sunshine Dizon, Angelu de Leon, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, at Jackielou Blanco. Kapwa niya bida sa serye si Kyline

Alcantara.

Hindi pa lumalabas ang karakter ni Therese na si Ariela Lopez sa serye, pero mapapanood na sa teaser, at makikita agad na maldita ang karakter niya.

“First time kong gaganap na full kontrabida,” sabi ni Therese. “Excited ako, pero kinakabaha­n ako na baka hindi ko magawa nang tama. Pinag-aralan ko ang karakter ko at ginawa kong peg si Ms. Cherie Gil, at iba pang magagaling na kontrabida para may guide lang ako, hindi ‘yung gagayahin ko talaga,” aniya.

Sa indie films nakilala si Therese, at nang pumasok siya sa telebisyon, kailangan niyang baguhin ang acting niya. Sinabi sa kanya na sa indie, subtle lang ang acting, pero sa TV kailangang medyo exaggerate­d para madaling maintindih­an ng viewers. Napapanood ang Inagaw Na Bituin, tuwing hapon pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.

Maganda ang rating ng pilot week ng afternoon soap at mas magiging exciting ang takbo ng story ‘pag lumabas na ang karakter nina Therese at Kyline.

 ??  ?? Therese
Therese

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines