Balita

‘First Love’ at ‘Mary, Marry Me’ sa TV

-

MAY television premiere na ang Mary,

Marry Me at First Love, ilang buwan makaraang ipalabas sa sinehan ang mga ito. Maghaharap­an ang magkapatid na Alex

at Toni Gonzaga upang makuha ang puso ni Sam Milby, habang muling tutuklasin nina

Aga Muhlach at Bea Alonzo kung paano ang magmahal sa KBO features ngayong Pebrero.

Sa kanilang pagsasama sa una nilang Metro Manila Film Festival movie na Mary Marry, Me, bumalik sa bansa si Mary Anne (Alex) para sa kanyang kasal kay Pete (Sam). Kinailanga­n niya ang tulong ng kapatid na si Mary Jane (Toni), na isang wedding coordinato­r.

Subalit nahamon ang relasyon ng magkapatid nang matuklasan kalaunan ni Mary Anne na dati palang karelasyon ni Pete ang kanyang kapatid. Mapapanood na rin sa KBO sa February 23-25 ang First Love, na unang pagtatamba­l sa pelikula nina Aga at Bea. Sa direksiyon ni Paul Soriano, alamin kung paano nakumbinse ng dalaga ng isang negosyante na maniwalang muli sa pag-ibig.

Kasabay nito, pinalawig ng ABSCBN TVplus ang free trial sa mga bagong channel nito.

Para mapanood ang KBO movies, mag-register sa gamit ang anumang prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, mag-load (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) lang ng P30; pindutin ang green/INFO button sa TVplus box remote para makuha ang box ID; at mag-text ng KBO30 (petsa) <TVplus box ID> sa 2366.

 ??  ?? Bea at Aga
Bea at Aga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines