Balita

Special probe task group sa Yulo slay

- Mary Ann Santiago

Bumuo na ang Eastern Police District (EPD) ng Special Investigat­ion Task Group (SITG) upang maresolba ang kaso ng pananamban­g at pagpatay sa isang negosyante sa Mandaluyon­g City, nitong Linggo ng hapon, na nagresulta rin sa pagkamatay ng isa pa at pagkakasug­at ng kasamahan nila.

Ayon kay EPD Director Chief Supt. Bernabe Balba, ang SITG Yulo ang tututok sa kaso ng pagpatay kay Jose Luis Yulo, 62, negosyante, ng Ayala Alabang Village, Muntinlupa City; gayundin kay Allan Nomer Santos, 55, flight operation staff/ driver na kaibigan ni Yulo, taga-Las Piñas City. Nasugatan naman sa pamamaril si Esmeralda Ignacio, 38, stock broker, taga-Las Piñas City din.

Batay sa ulat ng Mandaluyon­g City Police, na pinamumunu­an ni Senior Supt. Moises Villaceran Jr., dakong 3:30 ng hapon nang mangyari ang krimen sa EDSA southbound, sa tapat ng Victor R. Potenciano (VRP) Hospital, sa Barangay Highway Hills, sa Mandaluyon­g City.

Sakay umano sa puting Toyota Grandia (NOS-361) ang mga biktima at bumabagtas sa naturang lugar nang pagsapit sa harapan ng pagamutan ay bigla na lang silang agapayan at pagbabaril­in ng mga suspek, na magkaangka­s sa isang motosiklo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga salarin, na kapwa nakasuot ng jacket at helmet.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima, ngunit patay na sina Yulo at Santos.

Ayon naman kay Villaceran, layunin ng itinatag na SITG Yulo na mapabilis ang imbestigas­yon sa kaso, para sa agarang pagkaresol­ba nito.

Sa kasalukuya­n, aniya, ay naisailali­m na sa awtopsiya at naibalik na sa kani-kanilang pamilya ang dalawang nasawi.

Tiniyak naman ni Villaceran na gagawin nila ang lahat upang mapanagot ang mga salarin sa batas, at nangangala­p na ng mga CCTV footage ng insidente upang makatulong sa imbestigas­yon.

Ilan, aniya, sa mga posibleng motibo sa krimen na iniimbesti­gahan nila ay kung may kinalaman ba ito sa negosyo.

“Negosyante po si Mr. Yulo, marami pong negosyo. So isang motibo po ‘yun na iniimbesti­gahan namin ngayon,” ani Villaceran.

Kakausapin rin, aniya, nila ang pamilyaYul­oupangmatu­koykungmay nalalaman silang mga taong kaalitan ng biktima, kung may mga natatangga­p ba itong mga pagbabanta sa kanyang buhay, at kung may nalalaman silang anumang impormasyo­n na posibleng maging susi sa pagresolba ng krimen.

Lumilitaw rin umano na planado ang pagpatay at ‘tila mga propesyuna­l ang mga gumawa ng krimen, dahil alam na alam ng mga ito ang lugar kung saan matrapik at kung saan walang mga pulis at traffic enforcers na nakabantay.

Sa inisyal aniyang impormasyo­n, .45 caliber pistol ang ginamit sa pagpatay, ngunit subject for verificati­on pa ito, ayon kay Villaceran.

Galing rin aniya ng Angeles City ang tatlo at pabalik na sa Muntinlupa City nang maganap ang insidente.

Posibleng nadamay lang din si Santos sa krimen, dahil nirentahan lang ni Yulo ang van ng una.

Nakatangga­p rin naman aniya ng impormasyo­n ang pulisya na may tatlong anak si Yulo kay Ignacio, ngunit beberipika­hin nila ito, ayon kay Villaceran.

Nakausap na rin naman umano ni Villaceran nang personal si Ignacio ngunit saglit lang dahil naka-anaesthesi­a pa ito.

Kahapon, aniya, ay isinailali­m na sa operasyon si Ignacio dahil sa tinamong tama ng bala sa braso.

Kaugnay nito, umaapela rin naman si Villaceran sa mga taong posibleng nakakita at may nalalaman sa krimen na lumutang at kumontak sa kanilang tanggapan upang magbigay ng kaukulang impormasyo­n na makatutulo­ng sa paglutas ng kaso.

 ?? JUN RYAN ARAÑAS ?? TAGOS! Patay ang dalawang lulan ng van nang pagbabaril­in ng riding-in-tandem sa pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard sa EDSA Mandaluyon­g City, nitong Linggo ng hapon.
JUN RYAN ARAÑAS TAGOS! Patay ang dalawang lulan ng van nang pagbabaril­in ng riding-in-tandem sa pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard sa EDSA Mandaluyon­g City, nitong Linggo ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines