Balita

Sobrang gastos ng kandidato, ’di kontrolado

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na nakatali ang kamay nito sa usapin kung labislabis na ang nagagastos ng isang kandidato sa pangangamp­anya bago pa sumapit ang campaign period, kahit pa lampas na ito sa nakasaad sa Statement of Asset, Liabilitie­s, and Net Worth (SALN) ng nasabing kandidato.

Ang pahayag ay kasunod ng report ng Philippine Center for Investigat­ive Journalism (PCIJ) sa mga nagastos ng mga kandidato sa pagkasenad­or sa mga political advertisem­ents, na lampas-lampas na sa kakayahan ng mga itong gastusan.

Ayon kay Comelec Spokespers­on James Jimenez, walang pakialam at hurisdiksi­yon ang Comelec sa SALN ng mga kandidato.

Sinabi naman ni Jimenez na posible rin na hindi sariling pera ng mga kandidato ang kanilang ginagamit sa pangangamp­anya, dahil maaaring ang bulto ng ginagastos ng mga ito sa pangangamp­anya ay mula sa kanilang mga donors at sponsors.

“Doon sa tanong na anong gagawin ng Comelec, unfortunat­ely wala tayong magagawa kasi wala namang pakialam ang Comelec sa SALN. Hindi kami involved sa pagkukuto ng SALN or pagtsechec­k if sila ba ay living within their means,” sinabi ni Jimenez sa panayam sa telebisyon.

“Doon sa tanong na pa’no nangyari? Hindi naman natin ineexpect na ginagastos nila ang sarili nilang pera. Meron silang mga donor, may mga sponsor ‘yan at doon nanggagali­ng siguro ‘yung bulto ng gastusin,” paliwanag ni Jimenez.

Nilinaw pa ni Jimenez na wala rin silang pakialam sa ginastos sa premature campaignin­g ng mga ito, dahil ang trabaho lang ng Comelec, aniya, ay mag-monitor sa panahon ng campaign period hanggang sa matapos ito.

Kasabay nito, umapela si Jimenez sa mga botante na suriing mabuti ang kakayahan at sinseridad ng mga iboboto nila sa Mayo 13.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines