Balita

BF ng nasawi sa drug overdose, sumuko

- Calvin D. Cordova

CEBU CITY – Lumantad na sa mga awtoridad ang boyfriend ng 19-anyos na dalagang nasawi sa party drug overdose matapos silang dumalo sa Sinulog Festival sa Cebu City, nitong nakaraang buwan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Police Regional Office (PRO7)Central Visayas chief, Chef Supt. Dobold Sinas at sinabing nakipagkit­a si Nel Spencer Tiu kay Cebu City Police Office chief, Senior Supt. Royina Garma, nitong Pebrero 14.

Gayunman, itinanggi umano ni Spencer na nagmula sa kanya ang paglaganap ng party drugs na sanhi ng pagkasawi ng girlfriend nito na si Ashley Abad.

“They talked for about 30 minutes. Tiu and his family decided to show up and not wait for a subpoena to be issued against him to disprove insinuatio­ns that he is no longer in the country. And he has no plans of leaving,” paliwanag ng abugado ni Tiu na si Orlando Salatandre.

Matatandaa­ng hinimatay si Abad habang nanonood sila ng outdoor concert na itinampok sa Sinulog Festival sa Cebu Business Park, nitong Enero 29.

Kasama nina Tiu at Abad ang kanilang kaibigan nang maganap ang insidente, ayon sa mga awtoridad.

Sa pagsusuri ng Philippne National Police (PNP)-Crime Laboratory, natuklasan­g nasawi si Abad sa ecstasy overdose.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines