Balita

‘LUCKYCAR’ NIJV,NAABO

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nadamay sa sunog ang “lucky car” na sports utility vehicle (SUV) ng re-electionis­t na si Senator JV Ejercito nang matupok ang isang auto shop sa Mandaluyon­g City, kahapon ng umaga.

Kinumpirma mismo ni Ejercito na nadamay ang kanyang Toyota Sequioa, na 10-taon na niyang pagmamay-ari, sa sunog na sumiklab sa Autoplus Car Center sa EDSA malapit sa Conneticut Street, Barangay Wack-wack.

“I feel sad, my car for the past 10 years, my Toyota Sequioa burned in the fire at Autoplus Car Center this morning,” tweet ng senador.

Inilarawan din ng senador na “lucky car” niya ang nasunog na sasakyan.

“Feeling sentimenta­l because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention ‘lucky’ car. Will be missing this car,” himutok pa ni Ejercito.

Iniulat din na napinsala sa sunog ang isa pang Ford Everest ng senador.

Batay sa ulat ng Mandaluyon­g Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na ganap na 11:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa naturang auto shop center.

Umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog, na naideklara­ng under control dakong 11:56 ng umaga at tuluyang naapula dakong 12:38 ng tanghali, ayon kay Supt. Cristine Cula, ng Mandaluyon­g BFP.

Maliban sa pagkakatup­ok ng mga high-end o mamahaling sasakyan, wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

 ?? MARK BALMORES ?? SAYANG NAMAN! Kabilang ang sports car na ito sa mga ari-ariang natupok makaraang maabo ang isang auto shop sa EDSA, Mandaluyon­g City kahapon ng umaga.
MARK BALMORES SAYANG NAMAN! Kabilang ang sports car na ito sa mga ari-ariang natupok makaraang maabo ang isang auto shop sa EDSA, Mandaluyon­g City kahapon ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines