Balita

Pagbuwag sa Road Board, 1 pirma na lang

- Beth Camia

Pirma na lang ni Pangulong Duterte ang kulang para sa tuluyang pagbuwag sa Road Board.

Ito ay matapos pormal nang maisumite ng Presidenti­al Legislativ­e Liaison Office sa Malacañang ang mga dokumento na lalagdaan ng Pangulo.

Ang Road Board ang namamahala sa pondo mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), na tinatawag ding road user’s tax.

Nakalaan ang nasabing salapi para sa road maintenanc­e at pagpapabut­i ng road drainage, paglalagay ng traffic lights at road safety devices, kasama rin ang air pollution control.

Gayunman, sa imbestigas­yon ng Commission on Audit (COA), nakitaan na nagkaroon umano ng maling paggamit ang Road Board sa bahagi ng mahigit P166-bilyon nakolektan­g road user’s tax simula 2001 hanggang May 2018.

Una nang hiniling noong 2017 ni Pangulong Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas na bubuwag sa Road Board dahil ang bilyun-bilyong pisong road user’s tax ay napupunta lang umano sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines