Balita

DPWH: Sundin ang load limit sa tulay

- Mina Navarro

Pinaalalah­anan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang publiko na sumunod sa maximum load limit sa mga tulay upang matiyak ang kaligtasan at mapatagal ang serbisyo ng mga ito sa mga motorista.

Kasunod ito ng load monitoring checkpoint ng DPWH-Region 8 sa lahat ng kagamitan at mga sasakyang tumatawid sa Biliran Bridge, na may pinakamata­as na kapasidad na 15 tonelada, sa Leyte-Biliran Road sa Biliran.

Ipinakalat ang mga maintenanc­e personnel upang mahigpit na bantayan ang mga sasakyang dumadaan sa 120-metrong Biliran Bridge, na tanging nag-uugnay sa Biliran at Leyte.

Nagpapatup­ad din ng limitasyon na 250 bags ng semento sa isang solong trak, at 16 cubic meters sa paghahatid ng mga aggregate sa mga dadaan sa tulay.

Sinabi ni Villar na ang mabigat na sasakyan ay pinahihint­ulutang tumawid nang isa-isa habang ang mga nagdadala ng higit sa kapasidad ng tulay ay kailangang magbawas ng sobrang kargamento.

Ginagawa ang checkpoint upang maiwasan ang pagkasira, pinsala, o panganib ng pagbagsak ng bakal na tulay, na nakumpleto noong 1975.

“We encourage the travelling public to take note of the bridge limits not only to preserve the integrity of the bridge but more importantl­y to ensure safe travel for everyone,” wika pa ni Villar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines