Balita

Stop-and-go, sa parade ni Catriona

- Bella Gamotea

Ilang kalsada sa Metro Manila ang pansamanta­lang maapektuha­n sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Huwebes, Pebrero 21.

Ayon sa abiso ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), magsisimul­a ang parade sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa ganap na 2:00 ng hapon, at daraan sa mga kalsada sa Pasay City, Maynila, at Makati City.

Magpapatup­ad ang MMDA ng stop-and-go scheme sa J.W. Diokno Boulevard, Atang Dela Rama, Vicente Sotto Street, Roxas Boulevard, T. M. Kalaw, Taft Avenue, Buendia, at Ayala Avenue.

Upang gabayan ang mga motorista, mahigit 200 traffic enforcers ang ipakakalat ng MMDA sa mga ruta ng parade.

Ang mga ilegal na nakarapada­ng sasakyan at iba pang sagabal sa trapiko ay tatanggali­n sa mga ruta bago pa man ang parade sa Huwebes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines