Balita

Mayor Sara, sa Enero 2021 magpapasya

PAPALITAN ANG AMA SA MALACAÑANG?

- Beth Camia

Nagtakda ng deadline ang presidenti­al daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte para sa kanyang desisyon kung kakandidat­o siyang pangulo ng bansa sa 2022.

Sa kampanya ng Hugpong ng Pagbabago kahapon sa Ilocos Sur, sinabi ni Mayor Sara na ilalabas niya sa Enero 2021 ang kanyang pinal na desisyon kung kakandidat­o siyang presidente.

Aniya, kailangan niyang maglaan ng mahabang panahon para mapagisipa­ng mabuti ang pagkandida­to bilang pangulo.

Sinabi rin ng alkalde na kailangan ng sapat na pera, kagamitan, at lalo na ang gabay mula sa Panginoon sa gagawin niyang pagdedesis­yon kung papalitan nga niya sa puwesto ang kanyang ama na si Pangulong Duterte.

Sinabi pa ng nakababata­ng Duterte na mahirap panindigan ang pagtakbo bilang pangulo kung hindi ito para sa iyo.

Sa ngayon, sinabi ng alkalde na nakatutok siya sa pagtulong sa huling tatlong taon ng administra­syon ng kanyang ama at sa kampanya ng 13 senatorial bets ng kanyang partido.

Nauna nang sinabi ng nakababata­ng Duterte na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines