Balita

Duque, Garin sasagot sa ikatlong kaso ng Dengvaxia

- Jeffrey G. Damicog

Sa Huwebes nakatakdan­g maghain sina Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III, dating Health secretary Janette Garin at kanilang co-respondent­s ng kani-kanilang counter-affidavits kaugnay sa third batch ng mga reklamo kaugnay sa kanilang pananaguta­n sa mga namatay matapos maturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Inatasan ni Senior Assistant State Prosecutor Arnold Magpantay, namumuno sa panel of prosecutor­s na humahawak sa third batch ng mga reklamo, ang respondent­s na ihain ang kani-kanilang sagot sa nasabing araw.

Sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO), ang third batch ng mga reklamo ay inihain ng mga pamilya ng 13 bata na naturukan ng bakuna.

Sa ilalim ng reklamo, ang respondent­s ay inaakusaha­n ng reckless imprudence resulting to homicide sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code; torture resulting in the death of a person at torture committed against children sa ilalim ng Republic Act 9745, Anti-Torture Act of 2009; at paglabag sa RA 7394, ang Consumer Act of the Philippine­s, partikular, ang mislabelin­g of drugs and devices, liability for defective products, at liability for product and service imperfecti­on.

Pinangalan­an si Garin na respondent sa lahat ng 13 reklamo, habang si Duque ay isinama bilang respondent sa limang reklamo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines