Balita

Abe, tikom sa nominasyon

-

TOKYO (AP) – Tumanggi si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ang kanyang chief spokesman na magsalita kung totoong ni-nominate ni Abe si US President Donald Trump para sa Nobel Peace Prize.

Sinabi ni Abe sa Parliament kahapon na hindi isinisiwal­at ng Nobel committee ang mga partido sa likod ng mga nominasyon sa loob ng kalahating siglo. Kaya naman, “I thus decline comment.”

Sinabi ni Yoshihide Suga, tagapagsal­ita ng gobyerno, sa reporters na pinapahala­gahan ng Japan ang mga pagsisikap ni Trump sa nuclear disarmamen­t ng North Korea, ngunit tulad ni Abe ay tumanggi rin siyang magkomento.

Sinabi ni Trump nitong Biyernes na ni-nominate siya ni Abe, at pinadalhan ng “beautiful copy” ng liham sa komite. Hindi pa ito maberipika

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines