Balita

Hinataw ng bato sa ulo, dedo

- Mary Ann Santiago

Hindi na nakauwi nang buhay ang isang karpintero, na nagpaalam sa kanyang katrabaho na bibili lang ng pagkain sa tindahan, makaraang hatawin ng bato sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa Tondo, Maynila, nitong Linggo.

Bangkay na si Marlou Balena, nasa 40-49-anyos, ng Barrio Maasim, San Ildefonso, Bulacan, nang madiskubre ng ilang concerned citizen, at may tatlong malalaking sugat sa ulo.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakil­anlan ng suspek, na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa imbestigas­yon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), dakong 6:20 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Balena sa tapat ng isang nakaparada­ng truck sa Magallanes Street, Manila North Harbour Centre sa Vitas.

Huli umanong nakitang buhay si Balena nang magpaalam sa kasamahang si Leoncio Morte na bibili lang ng pagkain sa tindahan, dakong 11:00 ng gabi.

Gayunman, hindi na nakabalik ang biktima hanggang sa matagpuan na lang itong malamig na bangkay.

Masusi namang iniimbesti­gahan ng mga awtoridad kung sino ang posibleng may kagagawan sa krimen, at ang motibo sa pagpatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines