Balita

Rookie cop utas, 1 pa sugatan sa tandem

- Ni JOSEPH JUBELAG

Napatay isang bagitong pulis habang sugatan naman ang isa nitong kasamahan nang pagbabaril­in sila ng riding in tandem sa Barangay Rosary Heights, Cotabato City, nitong Linggo ng gabi.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Cotabato City Police chief, Senior Supt. Michael Lebanan.

Kinilala nito ang nasawi na si PO1 Ali Bago Mama habang sugatan naman si PO1 Jolace Alim Guiamad, 26, parehong nakatalaga sa City Mobile Force Company.

Magkaangka­s aniya ang dalawang pulis sa motorsiklo nang biglang pagbabaril­in ang mga ito ng dalawang lalaking nakamotors­iklong bumubuntot sa kanila sa Japsay Street.

Agad na binawian ng buhay si Mama dahil sa tama ng bala sa ulo habang isinugod naman sa ospital si Guiamad dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Magrerepor­t na sana ang dalawa sa kanilang trabaho nang maganap ang insidente, ayon naman kay Supt. Romeo Galgo, hepe ng City Mobile Force Company.

May teorya ang mga awtoridad na away ng magkakamag-anak o gantihan ang posibleng motibo sa krimen.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines