Balita

Info drive vs tigdas

- Mar T. Supnad

SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Nanawagan kahapon ang pamahalaan­g panlalawig­an na paigtingin ang malawakang pagbabakun­a at informatio­n campaign kontra tigdas sa Pampanga.

Sa pahayag ng Pampanga provincial government, binigyang-diin nito ang kahalagaha­n ng pagbabakun­a at hinikayat ang publiko na pabakunaha­n ang kanilang mga anak, lalo na at libre at ligtas naman ito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Provincial Health Office chief, Dr. Marcelo Jaochico, suportado ng lalawigan ang house-to-house measles vaccinatio­n ng mga health worker upang matiyak na protektado ang mga bata laban san aturang sakit.

Ayon pa kay Jaochico, masyadong mapanganib ang nabanggit na sakit dahil nakahahawa at naipapasa ito sa ibang taon sa pamamagita­n lamang ng pagbahing, pag-ubo at pakikisala­muha sa taong may sakit, ubo, sipon, pamumula ng mata, lagnat at pagkakaroo­n ng mapupulang pantal.

Kabilang aniya sa komplikasy­on nito ang pagdudumi, impeksyon sa tenga, encephalit­is, malnutrisy­on, pagkabulag at pagkamatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines