Balita

Pulis na ‘trigger happy’ tiklo

- Junar Fenequito

Nasa balag ngayon na alanganin ang isang bagitong pulis kaugnay ng walang pakundanga­ng pagpapaput­ok nito ng baril habang nag-aaway sila ng kanyang kinakasama sa Davao City, nitong Linggo.

Kinilala ng Davao City Police Office (DCPO) ang suspek na si PO1 Glonard Bryan Maneja, 31, nakatalaga sa City Mobile Force Company ng DCPO.

Ayon kay DCPO director Sr. Supt. Alexander Tagum, mahaharap si Maneja ng mga kasong paglabag sa election gun ban at alarm and scandal batay na rin sa reklamo ng mga kapitbahay nito sa Shrine Hills.

Si Maneja ay isinuplong sa pulisya ng mga kapitbahay nito nang sunud-sunod na nagpaputok ng baril sa gitna ng alitan nila ng kanyang live-in partner.

"I have only referred him to our Investigat­ion Detection Management Branch and Talomo Police Station for the filing of criminal charges against Maneja," ayon pa kay Tagum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines