Balita

Barangay chairman, nirapido sa Leyte, ligtas

- Marie Tonette Marticio

ALBUERA, Leyte – Nakaligata­s sa kamatayan ang isang kapitan na presidente ng Associatio­n of Barangay Captain (ABC) nang pagbabaril­in ng mga hindi nakikilang lalaki sa Albuera, Leyte, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Albuera Municipal Police ang biktima na si Alberto Sumaljag, 60, may-asawa at taga-Bgy. Benolho ng naturang bayan.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Sa report, lulan ang biktima ng kanyang kotse at dadalo sana sa session ng konseho nang dikitan ito ng isang kotse at sunud-sunod na pinaputuka­n ng baril sa Bgy. Cambaladin­g.

Himalang nakaligtas si Sumalgjag ngunit tadtad naman ng tama ng bala ng baril ang kotse nito.

Tinutukoy pa ng mga imbestigad­or ang pagkakakil­anlan ng mnga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines