Parada vs paninigarilyo
BAGUIO CITY – Maglulunsad ng parada ang mga tauhan ng Smoke-Free Task Force bilang tampok sa walang humpay na kampanya ng lungsod laban sa naninigarilyo, sa Pebrero 28.
Ang parade ay sisimulan sa Baguio Convention Center dakong 10:00 ng umaga at babagtasin ang Session and Harrison roads hanggang sa Athletic Bowl oval kung saan idaraos ang programang inaasahang dadaluhan ng mga opisyal ng Department of Helath at iba pan ahensyang may kinalaman sa proyekto.
“The event will highlight various activities scheduled this year that will further remind the public to strictly adhere to the provisions of the Smoke-Free Baguio Ordinance approved in 2017 by the city council and principally authored by councilor Joel Alangsab,” ayon pa sa pahayag ng mga opisyal ng lungsod.