Balita

1 sa NPA, todas sa engkuwentr­o

- Bonita L. Ermac

ILIGAN CITY – Isa na namang komunistan­g miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng militar sa Aloran, Misamis Occidental, kahapon ng umaga.

Wala pang makuhang pagkakakil­anlan ang napaslang na rebelde, ayon kay 10th Infantry Battalion (IB) commander, Col. John Andrada.

Nagsasagaw­a aniya ng security operations ang mga tauhan nito nang makaengkuw­entro nila ang grupo ng mga rebelde sa Barangay San Pedro, dakong 9:40 ng umaga.

Matapos ang 30 minutong sagupaan, iniwan ng kilusan ang napaslang nilan kasamahan.

Narekober sa lugar ang isang AK 47 rifle, tatlong magazine at mga subersibon­g dokumento.

Kumpiyansa naman si Col. Bagnus Gaerlan, hepe ng 102nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA), na malait na nilang makukubkob ang pinagkukut­aan ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines