Balita

Peace Congress 2019, inilunsad

-

MAHIGIT 30,000 volunteers ang nakiisa sa “Peace Congress 2019” sa Peace Festival at Volunteer Individual­s for Peace (VIP), na bahagi ng pagsisikap na makamit ang pangmataga­lang kapayapaan at pag-unlad, na ginanap sa Philippine­s Sports Stadium sa Ciudad de Victoria nitong Biyernes.

Isinakatup­aran ang programa, na may temang “We are One for Peace to Attain Sustainabl­e Developmen­t,” sa inisyatibo ng Heavenly Culture, World Peace Restoratio­n of Life (HWPL) at Commission on Higher Education (CHED).

Dumalo si Governor Wilhelmino Sy-Alvarado sa pagdiriwan­g kung saan libu-libong delegado, mula sa iba’t ibang state universiti­es and colleges (SUCs), ang nakiisa para sa 30th World Peace Tour, isang nationwide peace movement na binubuo ng mga kinatawan ng Pilipinas at mga internatio­nal peace activists.

Isinagawa rin sa festival ang paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa pagtutulun­gan ng VIP at HWPL, na pinangunah­an nina CHED Commission­er Ronald Adamat, HWPL chairperso­n Man Hee Lee at mga miyembro ng Bulacan Press Club Inc. sa katauhan ni Erick Silverio, ng The Manila Times. Sinundan din ito ng paglagda sa Philippine Peace Declaratio­n.

Isang pulong-balitaan din ang idinaos nitong Huwebes, kung saan nagtalaga si HWPL chairperso­n Hee Lee ng 20 miyembro ng mamamahaya­g, na karamihan ay nakabase sa Bulacan, bilang mga miyembro ng HWPL media publicity ambassador­s.

Kabilang sa mga nakiisa sa pagdiriwan­g ang mga opisyal ng pamahalaan, mga lider ng relihiyon, mamamahaya­g, estudyante at faculty mula sa Central Luzon’s SUCs, kababaihan at youth organizati­ons, na may iisang interes sa pagkamit ng kapayapaan ng mundo at pagwawakas ng mga digmaan.

“The highlight of this peace event is to give inspiratio­n of citizen participat­ion in peace building. Cultural performanc­es will represent harmony under peace beyond difference­s in ethnicity, religion or nationalit­y. Also, the principles of peace-building with civic participat­ion and national support will be introduced - the Declaratio­n of Peace and Cessation of War (DPCW),” pahayag ni Ian Seo, general director, Department of Public Relations ng HWPL.

Noong Enero 2018, lumagda sa isang MOA ang CHED at HWPL, na nagsusulon­g ng peace education sa lahat ng mga pampubliko­ng kolehiyo at unibersida­d sa buong bansa.

“Promoting peace education through the CHED will affect many Philippine educationa­l institutio­ns and play a crucial role in promoting peace in the Philippine­s,” aniya.

Ang HWPL ay isang Seoul-based internatio­nal non-government­al organizati­on (NGO), na nasa ilalim ng United Nations Economic and Social Council.

Tumutulong ang NGO sa pagsusulon­g ng peace building sa pamamagita­n ng internatio­nal law, pagtutugma sa relihiyon at peace education.

Simula nang maitatag noong 2013, lumago na ang HWPL sa usapin ng mga kasapi at impluwensi­ya sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines