Balita

Epekto ng Rice Tariffcati­on Law

- Ric Valmonte

ANG isa sa mga panukala ng administra­syong Duterte na maipasa ng Kongreso ay buksan ang bansa sa mga banyagang bigas upang maiwasan ang kakulangan at pagmahal ng bigas sa bansa. Kamakailan ay natupad ang pagnanais ng Pangulo, ipinasa ng Kongreso at nilagdaan na niya ang panukala na ngayon ay kilalang Rice Tarifficat­ion Law.

“Tutulungan ng batas ang mga magsasaka na mapag-ibayo ang kanilang kita at katatagan sa competisyo­n,” sabi ni Senate

Agricultur­e Committee Chair Cynthia Villar, isa sa mga nagsulong ng batas. Kasi, bawat importasyo­n ng bigas ay papatawan ng 35 porsyenton­g buwis kapag ito ay galing sa mga bansang kasapi ng Southeast Asian Nation (ASEAN) at 50 porsyento naman sa mga hindi kasapi. Ang buwis na makokolekt­a sa ilalim ng batas ng 10-bilyong piso ang siyang magpopondo sa Rice Competitiv­eness Enhancemen­t Fund o Rice Fund. Ang Rice Fund ay gagamitin sa pagbili ng mga makinaryan­g gagamitin ng mga magsasaka upang mapababa ang kanilang gastos sa paglilinan­g ng bukid at pagbili ng mga binhi na ibibigay sa kanila upang maparami ang kanilang ani. Dito sa pondong ito papautangi­n sila ng gobyerno na magagamit nilang puhunan.

Napapalamu­tian ng magandang layunin ang batas. Pero, tulad ng mga naunang batas na nagpipinta ng magandang buhay sa mamamayan, naging salot ang mga ito. Ginamit lang ang mga ito ng mga ganid at

makapangya­rihan para busugin ang kanilang sikmura at hayaan ang sa taumbayan na kumakalam.

Pangunahin na rito ang Oil Deregulati­on Law. Ayon sa mga gumawa ng batas na ito, bababa ang presyo ng produktong petrolyo dahil magkakaroo­n ng malayang kompetisyo­n. Pero naging malaya ang mga dambuhalan­g kumpanya ng langis na presyuhan ang kanilang produkto na naaayon sa kanilang higit na ikabubusog at ikayayaman, samantalan­g dahilan ito ng ikinalulug­mok ng mamamayan sa kahirapan. Tumaas ang presyo ng mga pangunahin­g bilihin at serbisyo. Ipinatong ng mga negosyante­ng nasa larangang ito ang presyo ng mga ginagamit nilang produktong petrolyo.

Ganito na nga ang epekto ng Oil Deregulati­on Law, ipinasa pa ng Kongreso ang Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law. Nangako ang pamahalaan na sa pamamagita­n ng batas na ito ay maiibsan ang kahirapan ng sambayanan, pero ito ang nagpataas nang lubusan sa produktong petrolyo. Kaya, lalong

tumaas ang presyo ng mga pangunahin­g bilihin at nadagdagan pa ang gastusin sa transporta­syon ng mga magsasaka. Ang principal sponsor sa Senado ng panukala ay si Sen. Sonny Angara, Chairman ng Senate Ways ang Means Committee. Aniya, ang buwis na makokolekt­a ng gobyerno sa TRAIN ay babalik naman sa taumbayan sa uri ng murang serbisyo. Pero, sa ibang porma bumalik sa mamamayan ang inflation.

Ang Road Tax Law at coconut Levy ay kauri rin ng Rice Tarifficat­ion Law. Napaganda ba ang mga kalye, naibsan ang traffic at nakontrol ang pagbaha ng mga pondong nakolekta sa ibinabayad na buwis ng mamamayan sa sinehan at iba pang libangan? Napaganda ba ang buhay ng mga nasa coconut industry ng ibinabayad nilang coconut levy? Ang mga pondong nakolekta sa mga batas na ito ay nauwi sa bulsa ng iilan. Magagaya lamang sa sitwasyon ng Oil Deregulati­on Law ang sitwasyong ibubunga ng Rice Tarifficat­ion Law. Magkakaroo­n ng monopolyo at malalagay sa kamay ng iilan, lalo na sa dayuhan, ang buhay ng sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines