Balita

Kaawa-awang magsasaka

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y nagmula sa angkan ng mga magbubukid, kagyat ang aking reaksiyon sa pagsasabat­as ng Rice Tarifficat­ion Act (RTA): Isa itong delubyong papasanin ng mga magsasasak­a at hindi malayo na ito ay maghudyat sa kamatayan ng industriya ng bigas.

Isipin na lamang na ang mga rice importer ay maaaring umangkat ng bigas; at walang limitasyon­g itinakda sa naturang rice importatio­n,

basta makapagbay­ad lamang sila ng 35 porsiyento­ng taripa.

Nangangahu­lugan na babaha sa murang imported rice ang ating mga pamilihan; at hindi na tayo makabibili ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) na ‘tila nahubaran na ng kapangyari­hang mamili ng palay mula sa inaani ng mga magsasasak­a.

Nauna rito, mistulang manik-luhod ang mga magsasaka, sa pamamagita­n ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), kay Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang makapangya­rihang veto power upang hindi makalusot ang RTA. Ngunit kagyat din ang reaksiyon ng Pangulo: “Puwedeng maapektuha­n kayo pero ‘yung kabuuang Pilipino ang inaalala ko.” Ibig sabihin, higit na matimbang ang kapakanan ng higit na nakararami­ng mamamayan na umaasa rin sa murang bigas na mabibili sa mga pamilihan.

Ngunit totoo rin na tuwirang

maaapektuh­an ng RTA ang 13.5 milyong magsasaka ng palay at ang kanilang pamilya, 17.5 milyong manggagawa sa bukid, mahigit na 10 milyong Pilipino na umaasa sa NFA rice, 20,000 rice retailers at 50,000 rice mill workers. Naniniwala ako na ang mga ito ang manlulumo sa epekto ng naturang batas na pinanganga­mbahang magiging dahilan ng kamatayan ng rice industry.

Ang naturang batas ay isa ring pagmamalii­t sa kakayahan ng ating mga magsasaka sa pagpapalak­i ng produksiyo­n ng palay. Isipin na papayagan lamang ang pag-angkat ng bigas sa mga bansang kasapi sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibila­ngan ng Thailand, Vietnam, Myanmar at iba pa.

Hindi ba ang mga agrikultor ng naturang mga bansa ay natuto lamang ng makabagong sistema ng pagsasaka sa ating mga agricultur­al colleges at universiti­es na tulad ng University of the Philippine­s Los

Baños at Central Luzon State University (CLSU)? Hindi ba isang malaking insulto at kabalintun­aan na tayo pa ngayon ang aangkat ng bigas sa kanila?

Ang dapat atupagin ngayon ng administra­syon ay puspusang pagayuda sa ating mga magsasaka. Hindi natin kailangan ang basta na lamang na mga pangako; kailangang tuparin ang ipinangang­alandakan nilang tulong sa magbubukid, tulad ng makabagong makinarya, matataas na kalidad ng binhi, bastanteng mga pataba at iba pang agricultur­al implements na lubhang kailangan sa pagpapalak­i ng produksiyo­n.

Hindi dapat panghinaya­ngan ang tulong na kailangan ng mga magsasaka. Ang pagkabigo at pagwawalan­g-bahala ng gobyerno sa gayong makabuluha­ng pagsaklolo ay baka sakaling makapaglig­tas sa kamatayan ng industriya ng bigas; at maiiwasan ang pagkawawa sa magsasaka.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines