Balita

Mas masarap kumain ‘pag may kaagaw!—Bea

- Ni REGGEE BONOAN

UMABOT na sa 267k likes at 2,295 comments ang post ni Bea na naka two-piece bikini habang nakatayo sa ilalim ng puno at nakatingin sa kulay asul na dagat sa Coron, Palawan.

Nakikita lang kasing nagsusuot ng bathing suit o two-piece bikini ang aktres sa mga pelikula kaya maraming nagulat nang i-post niya mismo ang nasabing larawan at ipinalawan­ag niya sa caption ang dahilan kung bakit siya ipinost ang larawan.

Nagbakasyo­n si Bea kasama ang pamilya sa Coron at masaya niyang ikinuwento na masarap daw kumain nang may kaagaw.

Nag-post pa ang aktres ng litrato nilang apat (nanay at dalawang kapatid) sa hapagkaina­n sa terrace ng kanilang villa.

Caption ng aktres, “Last night’s private dinner in front of the villa. Nag-agawan kami sa Thai prawn curry! Sarap! Mas masaya kumain kapag may kaagaw! Lol!”

Kung hindi kami nagkakamal­i ay madalas namang mag-post si Bea na kasama niya sa biyahe at bonding moments ang pamilya niya.

 ??  ?? Bea at pamilya
Bea at pamilya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines