Balita

‘Untrue’ nina Xian at Cristine, sa Georgia ang shoot

- Reggee Bonoan

FINALLY, gumiling na ang camera ni Direk Sigrid Andrea P. Bernardo para sa pelikulang Untrue nina Xian Lim at Cristine Reyes kahapon sa Tbilisi, Georgia, handog ng IdeaFirst Company na produced ng Viva Films.

Noong Pebrero 9, tumulak si Direk Sigrid patungong Georgia bilang advance party dahil marami pa siyang kailangang ayusin at nitong Pebrero 15 naman lumipad sina Xian at Cristine kasama ang ilang crew at tumagal ng dalawang araw ang biyahe.

Kahapon, Pebrero 18, ang unang araw ng shooting ng Untrue na ayon mismo sa Viva executive ay tatlong linggong mananatili ang grupo sa Georgia.

Tanda naming sinabi ni Direk Sigrid, nang maka-chat namin, na magastos sa Georgia pero masarap mag-shoot dahil konti lang ang tao at 30 pamilya lang ang mga Pinoy doon kaya magkakakil­ala lahat. At higit sa lahat, first time mag-shoot ng Filipino film sa nasabing bansa.

Anyway, nag-post si Direk Sigrid ng magandang tanawin sa Mtskheta, Jvari Cathedral, Georgia nitong Pebrero 14 at may caption itong, “Lovers don’t finally meet somewhere. They’re in each other all along.” – Rumi. Happy Valentine’s Day!”

Kaya naman napa-chat kami sa kanya: “Ganda pala talaga diyan sa Georgia, Direk. Btw, happy heart’s day. All alone ka diyan?”

Sagot sa amin, “Hindi naman ako alone kasama ko buong staff. Happy puso day rin! “What I mean wala ka pa ring kapuso?” “Ha, ha, marami sa tabi tabi. Marami akong kapuso,” sagot ulit ng direktora.

 ??  ?? Xian at Cristine
Xian at Cristine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines