Balita

Panggagami­t kay Juliana, idinenay ni Marco

- Ni ADOR V. SALUTA

DAHIL ipino-promote niya ang pelikulang Familia Blondina, inaakusaha­n tuloy si Marco Gallo na ginagamit ang ugnayan niya kay Juliana Gomez, anak ng aktor na si Richard Gomez kay Leyte Congresswo­man Lucy Torres, sa promo ng kanilang movie na ipalalabas na sa February

27.

“Wala naman pong ganu’n,” bungad ng FilItalian bagets star, na produkto ng Pinoy Big Brother Teens.

Sa halip, nakiusap siya sa mga tao na huwag siyang husgahan at huwag idamay ang ibang tao.

“Sa tingin ko naman po, sa mga nagsasabi ng ganun, siguro po, kilalanin po muna natin ang mga tao at kung anong pinagdaana­n nila,” kampanteng sagot ni Marco sa presscon ng Familia Blondina nitong Linggo, sa Racks restaurant sa Timog Avenue.

Dinepensah­an din niya ang unica hija nina Goma at Lucy.

“And I don’t find a reason to use that, because she’s not even in showbiz. And she’s been so nice to me, so why should I user her? Parang ganun.

“I mean, she gave me her friendship and that’s important. That’s such a big thing, na hindi lahat ng tao, ang ibinibigay ngayon, hindi mo alam kung totoo sila sa ‘yo o hindi ba.

“So, I’m happy that I can trust her. Parang ganun.” Nilinaw ni Marco na magkaibiga­n pa rin sila ni Juliana. Wala raw isyu ng break-up, kaya there’s nothing to reconcile between them. “Hindi naman po kami nag-away. Friends po naman kami,” mariing pahayag ng young actor.

“I mean, even when we broke up, it was a friend thing. We were happy happy about it. Kasi, that’s life. Go on! Move on!” Naalala tuloy ng ilang press ang nakaraang selebrasyo­n ng Valentine’s Day, kung may naalala ba siyang niregaluha­n o pinadalhan man lang ng flowers? “Nanay ko. Binigyan ko ng ice cream! Kasi, late na ako dumating! Kaya binilhan ko na lang siya ng ice cream. Eh tulog, nagalit pa! Ginising ko! Ha! Ha! Ha!” Sa Pebrero 27 ipalalabas ang Familia Blondina, na pinagbibid­ahan nina Karla Estrada, Jobert Austria, Kira Balinger, Chantal Videla, Heaven Peralejo, Awra Briguela, at ang It’s Showtime “Mini-Me” champion na si Xia Vigor, sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

 ??  ?? Marco
Marco
 ??  ?? Juliana
Juliana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines