Balita

Winwyn at Enzo, walang ilangan moments

- Nora V. Calderon

NO wonder, kaya pala madaling nagkasundo sina Winwyn Marquez at Enzo Pineda sa simula pa lang ng shooting ng first teamup movie nila, ang Time & Again sa Regal Entertainm­ent Inc., sabay pala silang pumasok sa showbiz.

“Way back pa kami magkakilal­a ni Enzo,” sabi ni Win. “Nang-mag-join siya sa StarStruck, ang realitybas­ed artista search in GMA-7, it was also the same time na nag-enter ako sa showbiz. Kaya magkakilal­a na kami nine years ago pa.

“Nagkahiwal­ay lang kami nang lumipat siya ng network. At ngayon we’re working together sa Time & Again na kinu-consider ko nang launching movie ko, kasi first time akong naging bida sa movie.

“Nakagawa na rin ako sa Regal Films, with Vhong Navarro, ang Unli Life pero si Vhong Navarro ang bida roon.”

Masaya naman si Enzo na muli silang nagkasama ni Win sa movie. “Natuwa po ako nang malaman kong ako pala ang napili ni Direk Joey Reyes na makatambal ni Win,” sabi ni Enzo. “It’s a big honor na makatambal ang ating first Reina Filipina Hispanoame­ricana. Hindi kami nahirapang mag-communicat­e with each other at naging comfortabl­e agad kami sa isa’t isa. Sana po makita nila ang chemistry naming dalawa sa mga eksenang ginawa namin.” Sa pelikula, si Win ay si Apple, no boyfriend since birth, hindi siya naniniwala sa pagkakaroo­n ng boyfriend, until tinamaan siya ni Cupid nang makilala niya si Ozzi (Enzo). Natawa si Win nang ikuwento niya kung anong klase ang character niya. Hindi raw siya palabihis at lagi siyang nakakontra sa mga sinasabi sa kanya. Mababago raw ito nang mameet niya si Ozzi. Puno raw ng tawanan at sweet moments ang movie nila.

Bukas na, February 20, ang showing ng postValent­ine presentati­on ng Regal Entertainm­ent, Inc., ang Time & Again, in cinemas nationwide

 ??  ?? Enzo at Winwyn
Enzo at Winwyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines