Balita

Aaron Carter, kakasuhan ang babaeng stalker

-

NITONG Linggo ay isinapubli­ko ni Aaron Carter ang tungkol sa kanyang umano’y stalker. Sa Twitter isiniwalat ng 31 taong gulang na singer ang tungkol sa hindi niya pinangalan­ang babaeng stalker, na ilang taon na ring nagmamanma­n sa kanya at sumira sa kanyang sasakyan.

Sa tweet ay binalaan niya ang babae na ibubunyag sa publiko ang pangalan nito, ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight.

“You made a big mistake stalking me and keying my car,” panimula niya. “Police are now getting involved my stalker has taken it too far. And she’s gonna be sued by me. I will reveal her identity too I’m scared for my life.”

“This person has been stalking me now for two years straight and is not well she’s been stalking me and still getting into my concerts and I’m genuinely afraid for my life,” pagtutuloy niya. “I needed to put this out there. I WILL BE REVEALING HER IDENTITY.”

Aniya, nagpapatul­ong na siya sa pulisya para mapigilan ang babae at maprotekta­han ang kanyang sarili. Binalaan din niyang kakasuhan ang stalker.

“We are gathering all the evidence and her on camera and filing and order of protection and I will be suing her for punitive damages as well as revealing her identity,” sabi pa ni Aaron.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines