Balita

Darren Criss, kasal na kay Mia Swier

-

IKINASAL na ang 32-anyos na may dugong Pinoy na aktor sa The Assassinat­ion of Gianni Versace: American Crime Story na si Darren Criss sa kanyang longtime love na si Mia Swier, 33, nitong Sabado, ayon sa ulat ng People.

Nagpalitan ng “I do” sina Darren at Mia sa New Orleans sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Kabilang sa star-studded guest list ang kapwa Glee alums na sina John Stamos, Chord

Overstreet at Harry Shum Jr. Inihayag ng happy couple, na naging magkasinta­han sa loob ng walong taon, ang kanilang engagement noong January 2018, kahit na kalaunan ay inamin ni Darren na mas matagal na silang na-engage bago nila ipinaalam sa publiko.

“Mia and I have had seven and a half years of fun, wacky, wonderful, CRAZY adventures together,” post ng Glee star kasama ng kanilang larawan. “And I’m happy to announce that we’re kicking those adventures up a notch. We’re goin for it. To boldly go where neither of us have gone before. Engage.”

Nang mga panahong iyon ay sinabi ni Darren sa Esquire na ang kanyang proposal “was a long time coming.”

Nagtrabaho si Mia sa Fox at Showtime at nag-aral siya sa New York University’s Steinhardt School of Media Studies and Television Production.

Kamakailan ay ilang beses na nagwagi si Darren sa nakalipas na awards season. Nagwagi siya ng Emmy, Golden Globe at Screen Actors Guild award para sa pagganap sa karakter ng killer na si Andrew Cunanan sa American Crime Story.

Gumawa naman siya ng sweet shout-out kay Mia sa kanyang Globes acceptance speech, at pinasalama­tan ito para sa kanyang “undying love and patience.”

 ??  ?? Darren at Mia
Darren at Mia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines