Balita

Babae, viral sa pagtikim ng sabon

-

Kakaibang paraan ng brand reviews ang trip ng isang babae sa Indonesia. Sa halip kasi na gamitin niya ang sabon, tinitikman niya ang mga ito.

Instant Instagram sensation ngayon si Khosik Assyifa, ng

East Java, Indonesia, salamat sa kanyang “bizarre eating habits”, iniulat ng Oddity Central.

Sa kanyang IG account ibinabahag­i ni Assyifa ang mga videos kung saan mapapanood siya habang dinidilaan ang mga soap bar na parang kumakain ng lollipop at inire-review base sa lasa nito.

Dahil sa kanyang mga soap-eating videos libu-libo na ang likes at comments na natatangga­p niya sa social media, kabilang ang ilang suhestiyon kung anong brand ng sabon ang dapat niyang tikman.

Nagsimula umano ang pagkahilig niya sa pagkain ng sabon ng magbuntis siya. Una siyang nakatikim ng sapon habang naliligo at nagustuhan niya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines