Bicol, may Heart Center na
Hindi na kailangang lumuwas pa sa Metro Manila ng mga Bicolano na may karamdaman sa puso, dahil may sarili na silang Heart Center sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi City, Albay.
Pinagsikapang mapondohan ang P300 milyon Bicol Regional Heart Center, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na ang pasilidad ay ugnayang proyekto ng BRTTH at Philippine Heart Center, at ikaapat sa buong bansa.
Mayroon itong mga espesyalistang doktor at mga modernong kagamitan, kasama na ang 2D echo-cardiogram, coronary angiogram, angioplasty, pacemaker insertions, bypass-graft and open surgery.
Walang kalaban bilang re-electionist sa ikalawang distrito ng Albay, sinabi ni Salceda na tinataya sa 4,000 pasyente ang mapaglilingkuran ng Heart Center, kasama na ang mga magmumula sa Eastern Visayas.