Balita

Isyu sa ‘mental health’ tinutukan ng PBA

- Marivic Awitan

NAGSAGAWA ng hakbang ang pamunuan ng PBA upang matulungan ang kanilang mga manlalaro na mapangalag­aan ang kanilang kalusugan gayundin ang kaisipan.

Sa isinagawan­g Players’ Orientatio­n sa Meralco Theater noong Biyernes, sinabi ni PBA Commission­er Willie Marcial na bukas ang kanyang tanggapan sa sinumang manlalaro na nagnanais na mapanatili ang kalusugang mental o “mental health”.

Ayon kay Marcial ang league motto para sa 2019-2020 season ay “Laban kung laban”na hindi lamang tungkol sa basketball kundi sa maging sa kabuuan ng pagkatao ng mga players.

“Our theme ‘Laban kung laban’ ay hindi lamang tungkol sa basketball, kundi maging sa pagaaral, sa buhay at maging buhay pag-ibig ng mga players “ani Marcial.

“We will fight with you when you’re depressed so that theme also applies to the players’ mental health.”

Ayon pa kay Marcial ang ginawang Players’ Orientatio­n ay hindi lamang para maturuan ang mga players para panghawaka­n ang kanilang mga kinikita upang maisiguron­g maganda ang kanilang kinabukasa­n, kundi maging kung paano nila ipiprisint­a ang kanilang sarili sa publiko partikular sa henerasyon ng mga kabataan na umiidolo sa kanila.

Ang Players’ Orientatio­n ay isang “crash course” para sa mga players kung paano nila hahawakan ang kanilang pera at paano nila ipiprisint­a at bibihisan ang sarili sa harap ng publiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines